Jake Cuenca, Andi Eigenmann, and Iza Calzado figure in a love triangle for new teleserye

(From left) Iza Calzado, Jake Cuenca, and Andi Eigenmann have a steamy love triangle in Kahit Puso'y Masugatan.


Sina Gabby Concepcion, Jake Cuenca, Andi Eigenmann, at Iza Calzado ang mga bida sa upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN titled Kahit Puso’y Masugatan.

Ito ang unang teleseryeng gagawin ni Iza Calzado bilang Kapamilya at pagbabalik ni Andi Eigenmann sa telebisyon matapos itong ipanganak ang kanyang daughter na si Adrianna Gabrielle.

Sa July 5 press conference na ginanap sa 55 Events Place sa Tomas Morato, nagkaroon ng pagkakataon ng makapanayam ng PEP.ph ang ilang main cast members ng Kahit Puso’y Nasugatan na sina Iza, Andi at Jake, tungkol sa kani-kanilang role sa bagong teleserye.

IZA CALZADO:

“Ako po rito si Andrea Luwalhati, anak po ako rito ni Mylene Dizon na isang policewoman, siya ang kinalakihan kong idolo sa buhay, dahil siya yung kinagisnan ko sa buhay. At nang makasama namin sa buhay si Veronica [Andi Eigenmann] at ang kanyang nanay na si Belen [Jaclyn Jose], ginawa ko nang resposibilidad ang pag-aalaga bilang ate kay Veronica. Simula doon, mabubuo namin ang kwento ng Kahit Puso’y Masugatan. Sa sobrang pagmamahal sa kapatid mo, gagawin mo ang lahat ng sakripisyo sa buhay para I protect yung pagmamahal mo sa kapatid mo.”

Kamusta ka trabaho si Andi, Jake at Gabby Concepcion? Naka-eksena mo na ba sila?

“Unang araw ko, sampal agad mula kay Andi yung natikman ko. First taping day, first scene, first take ayun, wapak! Malakas ang sampal ni Andi ha. Sabi ko, ‘Do not underestimate the size of this girl.’ Napaghandaan ko naman at alam kong may sampalan pero bilang matagal na akong hindi nagte teleserye at matagal din akong hindi nasasampal. Sabi ko, ‘Nagising ako dun ah.’ Nag-sorry naman siya after ng sampal.”

“Si Kuya Gabby, hindi pa kami nagkakaroon ng eksena sa teleseryeng ito, pero naka trabaho ko na siya sa [movie na] White House. Napakabait niya, wala siyang ere ka trabaho saka maalaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Jake, maalaga din at sweet. We already worked before sa Encantadia [in GMA-7]. We’re not close friends but he’s been good friends in this industry, so I’m very happy that I be will working with him.”

ANDI EIGENMANN:

“Ako po si Veronica rito, sabay po kami lumaki ni Ate Iza, na si Andrea, childhood friends kami, parang magkapatid na rin. Isa po akong ulila, inalagaan po ako ng pamilya niya. Nung lumaki po kami pinaghiwalay kami ng trahedya pero pagbabalikin ng tadhana at yung mga conflicts po, dun na mangyayari, kaya yun ang dapat nyong subaybayan.”

Kamusta ang pagbabalik teleserye mo?

“Ngayon na I’m back sa teleseryeng ito after a long time parang gutom na gutom akong umarte, mag drama at exited na ko na ipalabas siya, at the same time kinakabahan din ako.Sanatalaga, yung suporta ng iba sa akin nung nagsisimula pa lang ako at magpatuloy pa rin kahit na matagal akong nawala. Mas makikita rin ng mga manonood how serious I am in my acting and my craft. Saka alam naman nilang ginagawa ko ang lahat ng ito for my daughter [Adrianna Gabrielle].”

Malakas at masakit daw yung sampal mo kay Iza? Anong masasabi mo doon sa eksena nyo iyon?

“Siyempre kinabahan ako kasi siyempre di ba ako lang yung sinasampal sampal dati sa ibang teleserye ko, ngayon nananampal na rin ako. Kinabahan ako kasi po first time ko siyang ginawa na mag portray ng role na ganun ka strong, pero exciting din kasi there’s something different akong gagawin na role.”

JAKE CUENCA:

“Ako si Rafael rito, isa siyang mayaman na photographer. Tatay ko rito si Gabby, makikita n’yo rito yung bond namin ni Gabby--very solid as father and son. Parang sa simula palang nung istorya makikita n’yo na may gusto akong patunayan sa tatay ko. Ang relationship namin soon ay masisira dahil sa pag-ibig sa mga babaeng aming mamahalin. Dahil pareho kami ng babaeng minamahal na si Iza Calzado. Sa likod ng lahat nang yan, mayroon ding ibang babae na nagmamahal sa akin, ‘yan nga si Andi Eigenmann. Na ayaw niya talaga ako bitawan, ayaw niya talaga ako pakawalan. So, makikita n’yo yung tension ng karakter na talagang kakaiba. Isa pa, talagang kakaiba yung soap namin na ito, kasi saan ka ba naman makakakita na ang magkaribal ay mag-ama, tapos magkaribal din sina Andi at Iza rito na parang magkapatid na rin. Parang this is the story of the family na masisira sa simula pero makikita n’yo in the end kung paano rin sila mabubuo muli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita namin sa trailer na very daring at intimate ang mga eksena. Mas marami pa bang makikita ang mga manonood na mas daring scenes between you and Iza at between you and Andi?

“Wala pa yung sa trailer, that’s only half nung aming ipapakita sa buong teleserye, kasi siyempre pag sinabi mong intense love story, kailangan ng maraming intense love scenes. Pero siyempre dahil sa TV ipapalabas ito, medyo magiging maingat sa pag shoot ng mga intimate scenes. Our teleserye has a certain flavor na medyo ang ita-tackle ay sensuality and sexuality so expect more intimate scenes in this teleserye.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN