Dolphy's heritage will remain in the hearts of Filipinos



Kagabi, July 10, pumanaw si Dolphy dahil sa multiple organ failure. Lagpas isang buwan siyang nanatili sa intensive care unit ng Makati Medical Center.


Nagpadala ng statement ang GMA Network na kumikilala sa malaking kontribusyon ng Comedy King sa showbiz.

Narito ang buong pahayag ng GMA-7:


"Buong pusong nakikiramay ang GMA Network sa pamilya ni G. Rodolfo Quizon Sr.

"Malungkot man ang kanyang paglisan, ang buhay ni Dolphy ay nagsisilbing inspirasyon sa buong showbiz industry.

"Lubos ang aming pasasalamat sa Hari ng Komedya sa bawat ngiti, halakhak at saya dulot ng kanyang walang kapagurang pagganap sa entablado man, pelikula o telebisyon. Siguradong mas masaya ang langit ngayong nandoon na siya.

"Ang kanyang pamana ay mananatili sa puso ng bawat Pilipino sa buong mundo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN