Jay Sonza and Candice Giron anchor the news program "Ito ang Balita"


Jay Sonza and Candice Giron are anchors of the news program Ito ang Balita on UNTV 37, which airs weeknights at 6 pm.


Ang mga dating GMA-7 newscasters na sina Jay Sonza and Candice Giron ay hinirang upang maging news anchors ng programang Ito ang Balita sa cable channel UNTV 37. Aired weeknights at 6 pm, this one-hour news service promises to deliver impartial and truthful reporting of the day's events.

Inilunsad ang Ito ang Balita noong September 3 at gunagamit ang mga anchors ng Tagalog upang mahatid ang balita sa mga manonood. Ang naturang news program ay diretsahang makikipagkumpetensiya sa TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA 7.

Sa panayan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jay Sonza, sinabi nitong hindi sila naaalangang makipagkumpetensiya sa mga news program ng Dos at Siyete dahil kampante siyang sila ay naiiba. "We would put real meaning sa tinatawag na public service," lahad ni Jay Sonza, na siya ring station manager ng naturang cable channel.

"Kami rito sa UNTV 37, umaasa kaming kahit na maliit na slice lang ng viewership ay makukuha namin. In the long run, alam ko namang gaya ng dalawang networks, matutunan din kaming panoorin ng masa," pahayag ni Jay.

Nang si Candice Giron naman ang nakausap ng PEP, ipinaliwanag kung bakit siya lumipat mula sa GMA-7 na alam naman daw nating isang higanteng istasyon kumpara sa maliit na istasyon gaya ng UNTV 37.

"I believe great things come in small packages kay nandito ako ngayon," ayon kay Candice. Isa pang dahilan kung bakit daw siya naengganyong lumipat sa isang maliit na network ay dahil sa malaking paghanga niya kina Jay Sonza at Daniel Razon, na siyang host ng early morning show na Good Morning Kuya!

"To me, they are old and dear friends, naniniwala ako sa kanila kaya madali nila akong napa-oo. Another thing, I believe that this small network can also go big.

"I have been to ABC-5 and GMA-7 and I know how it was to be just there. In other words, I really don't adhere to their beliefs. Here at UNTV 37, I was assured I can do my thing and this important to me than anything else," makahulugang sabi pa ng babaeng newscaster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Ito ang Balita sa cable channel UNTV 37, simula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 6 ng gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN