KC Concepcion chooses drama series with Judy Ann Santos and Sam Milby over movie with Anne Curtis and Derek Ramsay

KC Concepcion is thrilled about her new show, X-Factor, where she gets to meet very talented auditioneers. Describing these talents, she says: “Sobra… may mga taong hindi mo ine-expect yung ganung performance, yung parang may sanib pag nasa entablado.”


Kinumpirma ni KC Concepcion ang balitang hindi na siya parte ng Nothing Compares To You, ang pelikula ng Viva Films na pagsasamahan dapat nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay.

Ang pagtuon ng kanyang atensiyon sa singing talent search na X-Factor at teleseryeng Against All Odds ang rason ng TV host-actress kung bakit hindi na siya tumuloy sa Nothing Compares to You.

“It’s really one of those things we talked about with Viva.

“Sabi ko, at this point, gusto ko yung work namin sa X-Factor, na kung saan-saang lupalop ng bansa nakakarating.

"And I said, parang I would like to focus on the ABS teleserye. I love the script of the teleserye.

"Boss Vic was so kind, Viva was so kind to allow me," paliwanag ni KC sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

LOST OPPORTUNITY. Naging matagumpay sa takilya ang pagsasama nina Anne at Derek, kasama si Cristine Reyes, sa pelikulang No Other Woman. Hindi ba nanghihinayang si KC sa pinakawalan niyang oportunidad?

Sagot niya, “I love the tandem of me and Anne, I look forward to working with her. Si Derek naman, nakatrabaho ko na…

“But there are some things na timing is everything. At the same time, hindi porke’t nandiyan, it means it’s the best thing for you to do at the moment.

“I think it’s gonna be a great movie, papanoorin talaga siya ng tao.

“Probably kung sinuman ang papalit sa akin, meant to be talaga para sa kanya.

“I have a really good feeling about their movie. I wish them all the best."

Dagdag ni KC, "I would still love to work with Anne.

“Kung sinuman ang papalit sa akin would really love the role, it’s a very strong role.

“I’m at a point na gusto ko lang talaga mag-focus sa mga shows ko—it’s a personal choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka I believe that pag merong door na nag-close, may isang magbubukas.

“Kumbaga, hindi dapat pinipilit ang isang bagay na hindi dapat.”


Sexy and daring ang tema ng Nothing Compares To You. May espekulasyon na baka hindi pa handa si KC sa ganitong klase ng role?

Ngunit paglilinaw niya, “No. Kasi my role in the teleserye is a little bit similar sa movie na dapat with Anne and Derek, so hindi dahil dun.

“Actually, kung ano ang makikita sa movie, it was still me in their mind, makikita naman nila sa teleserye."

AGAINST ALL ODDS. Tungkol naman sa teleseryeng gagawin niya para sa ABS-CBN, ang Against All Odds, makakasama ni KC dito sina Judy Ann Santos at Sam Milby.

Sabi pa ni KC, “I really chose to focus on the soap. Yung mga taong nagtatrabaho dito sa show, madami silang ginagawa.

“I wanted to take things a little bit more kalmado lang this year. Gusto ko i-enjoy yung mga ginagawa ko.

“Being with Ate Juday is unexpected, nag-meeting na rin kami with Sir Deo [Endrinal] sa ABS…

“At they really gave me an assurance that this is different from anything I’ve done. Nasa kanila talaga yung trust ko dito.”

NON-SHOWBIZ. Nabanggit ni KC Concepcion sa past interviews niya na hindi taga-showbiz ang gusto niyang susunod na makakarelasyon.

Consistent pa rin dito si KC.

Aniya, “Non-showbiz? Oo… although maraming guwapo talaga sa show business, nandito ang crème dela crème.

“Nakaka-tempt minsan kasi ang daming guwapo. Guwapo na, mabait pa… talented pa.

“Pero kung talagang iisipin, yung sa life ko, nagawa ko na yung showbiz boyfriend.

“I was with someone na at the top, kumbaga one of the top talaga.

"Tapos na ako dun, move-on na ako.”


PASSED-ON RESPONSIBILITIES. Sa recent tweets ng ina ni KC na si Sharon Cuenta, nabanggit ng Megastar na minsan ay gusto na niyang mawala sa mundo dahil siya ang nagmana ng mga responsibilidad na naiwan ng kanyang yumaong ama—si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba ni KC ang pinagdaraanang ito ng ina?

“Gusto niyang mawala? 'Wag naman… Ma, dito lang ako!" natatawang sabi ni KC.

Ngunit paliwanag din niya, “No, I think, ha, aminin na natin sa pamilyang Pinoy, or kahit na sa anong pamilya, minsan nangyayari talaga na napapasa sa ibang generation yung mga bagay na dapat ayusin.

“Pero it’s not something naman na hindi maayos.

"It’s okay, we’re on it together... teamwork naman namin.

“My lolo was a very loving, generous man, but very old-fashioned man.

"Hindi siya naniniwala nung time na yun sa bangko. May mga times na mapapatanong ka na, ‘Bakit ganun?’

“Pero it's normal lalo na sa mga close na family. No family is perfect.

"It’s okay, basta may teamwork.”

CONDO BLESSING. Naikuwento rin ni KC sa PEP na pina-blessing na niya ang kanyang condo unit at kinumbida niya ang mga taong malalapit sa kanya.

Kuwento niya, “First time ko magpa-blessing. Nag-invite ako ng mga close friends and family.

“Siyempre condo, maliit lang yung space, so hindi puwede na lumampas sa capacity ng tao.

“Nag-prepare ako ng carbonara, mini-burgers, at namili ako ng mga favorite pica pica ko sa Serendra.

“I’m really happy that I found time for it.

"May special guests akong dumating, like Mark Nicdao [photographer]... hindi ko in-expect na darating siya and my mom.

"We had fun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN