Denise Laurel is cast as a teacher with dark secrets; Martin del Rosario has butt exposure in Precious Hearts Romances Presents: Pintada

Ang unang pagtatambal nina Denise Laurel (kaliwa) at Martin del Rosario (kanan) ay ipapakita ang isang ipinagbabawal na pag-iibigan sa pagitan ng isang guro at estudyante. Panoorin kung paano nila ipaglalaban ang ipinagbabawal nilang pagmamahalan sa Precious Hearts Romances Presents: Pinatda, Lunes hanggang Biyernes, 5:15 nang hapon sa ABS-CBN.


Flattered si Denise Laurel tuwing sasabihin ng ilan na siya ang “Reyna ng PHRo Precious Hearts Romances.

Simula kasi nang umere ang Bud Brothers noong 2009 ay kabilang na si Denise sa mga cast members.

Ito’y sinundan noong 2010 ng Midnight Phantom, kung saan mas naging tanyag ang lovemteam nila ni Rafael Roselle, na nagsimula sa Bud Brothers.

Nakasama rin niya si Cristine Reyes sa Kristine sa huling bahagi ng 2010, at muli’y nakatambal si Rafael.

Bagamat kinailangan niyang pansamantalang magpahinga dahil sa pagbubuntis niya noon, agad namang nakabalik si Denise, at ngayo’y muling magbibida sa latest installment ng PHR, ang Pintada.

Sinabi ni Denise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 23 na “blessed” siya dahil sa tuloy-tuloy na proyektong ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya.

“I’m fortunate na nagagawa ko siyang hanapbuhay,” nakangiting sinabi ng aktres sa presscon ng Pintada na ginanap sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

“I feel flattered, pero mas importante sa akin na higitan ang mga nagawa ko dati.

“Katulad po nang sinabi ni Direk Cathy [Garcia Molina], if there’s eagerness, she will teach. I’m very eager na every time I’ll do a show, it will be better. As we grow, we want the people to feel that we grow as well.

“So, siyempre ibibigay ko ang aking one hundred percent.”

SEXIER DENISE? Kapag napag-uusapan ang PHR, marami ang nag-iisip na mayroong pagka-sexy ang istorya at mga roles ng mga karakter sa programa.

Pero para kay Denise, mayroon mang pagka-sexy ang kanyang karakter dito, naging “sexy” din ito sa ibang paraan.

“Well, when it comes to sexy and daring, siyempre ‘yan lagi ang dating kapag PHR.

“But for me kasi, there are many volumes of sexy.

“As a person, showing skin doesn’t mean it’s sexy. It how you act, how you move, how you feel about yourself, it’s how you deal with other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So as for Lysa, I think she’s very sexy, in a sense that she’s going through so much pero nakaya niya lahat ‘yon.”

DARING MARTIN. Samantala, hindi naman magpapahuli ang leading man ni Denise na si Martin del Rosario pagdating sa pagpapa-sexy.

Unang pagkakataon ni Martin na magkaroon ng butt exposure sa isang TV show, bagamat naka-blur naman ito.

Hindi naman nagdalawang isip ang aktor na gawin ang naturang eksena.

“Hindi naman ako pinilit,” wika ng aktor.

“Kasi gusto ko rin… nang mabasa ko ‘yong script napa-oo agad ako.

“Parang alam ko naman na TV naman ‘to, wala namang masama, wala rin namang masamang mag-topless, at saka hindi naman talaga bastos tignan.

“So, hindi talaga ako pinilit, talagang gusto ko siyang gawin.”

SCARED OF DIREK CATHY? Samantala, habang nagkukuwento tungkol sa kanyang karanasan sa pagte-taping ng Pintada ay nabanggit ni Martin na ayaw daw sa kanya nang kanilang direktor na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Si Theodore Boborol ang unang direktor ng naturang programa, ngunit nalipat siya sa pagdederihe ng Angelito: Ang Bagong Yugto.

Kaya naman ibinigay ang proyektong it okay Direk Cathy na nagderehe ng Precious Hearts Romances Presents: Bud Brothers.

Natawa naman ang direktor sa sinabi ni Martin at saka niya ipinaliwanag kung bakit noong una’y ayaw niya sa aktor.

“Ako po kasi, kahit sinong artista ko, I tell them straight what my problem with them is, so they know how to handle things.

“Ayaw ko po siyang sabihan na gusto ko siya kahit hindi. Somehow, I tell them, kinaklaro ko na, ‘Okay, kailangan mo pagtrabahuhan.’ hindi ‘yong pagkagusto ko sa ‘yo, pero ‘yong karapatan mo to be the lead role, to be the actor.

“Minsan I tell my actors, ‘Ano ba ‘yan? Acting na ba ‘yan? Ang panget!’

“Pero kapag very good, he did one scene that I really, really like, sabi ko sa kanya, ‘In fairness to you, ha.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng direktor na ito’y nagbago nang makita niya rin ang “eagerness” ni Martin na pagbutihin ang kanyang acting skills.

Napangiti naman dito ang aktor at saka sinabi, “Ako gusto ko naman ang ginagawa ko, e.

“Uhm, hindi naman ako napipilitang umarte, gusto ko mag-improve, gusto ko matuto. E, sinabi nga sa akin ni Direk na basta eager ako matuto, e, alam ko sa sarili ko na gusto ko talaga matuto.

“So, medyo hindi ko kailangan matakot kasi nadoon ‘yong eagerness ko, at saka sa totoo lang, nagsisimula pa lang ang taping ang dami ko nang natutunan kay Direk.

“Marami lang talaga akong natutunan na nakatatak na sa akin, kaya feeling ko nagi-improve ako.”

PINTADA. Iniisip ng marami kung bakit nga ba Pintada ang pamagat ng latest installment ng Precious Hearts Romaces.

Litiral nga ba siyang pipintahan o simbolo lamang ito ng pagkatao ng karakter ni Denise?

Hindi ito direktang sinagot ni Direk Cathy, ngunit sinabi niya, “‘Yong napapanood n'yo po kasi is parang the beginning of how she will turn into that pintada.

“It’s supposed to hide something, it’s supposed to conceal something.”

Medyo sensitibo ang tema ng love story ng Pintada.

Iikot kasi ang kuwento sa pag-iibigan nang estudyanteng si Sev (Martin) at gurong si Lysa (Denise).

Magkapitbahay ang dalawa, at unang kita pa lamang nin Sev kay Lysa ay humanga na io dahil sa aking ganda nito.

Gayunman, may lihim si Lysa na nakatago sa kanyang magandang mukha’t katawan, na unti-unti ay madidiskubre ni Sev.

Ngunit isang sunog sa eskuwelahan ang maglalayo kina Sev at Lysa.

Habang nililigtas kasi ni Lysa ang kanyang mga estudyante ay masusunog ang kalahati ng mukha nito at mamamatay ang isang pamilyadong lalaking guro na sinasabing kalaguyo niya.

Lilipat ng bahay si Lysa, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkikita silang muli ni Sev, na mayroon pa rin pagtingin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni direk Cathy na hindi madali ang treatment na kanilang ginagawa sa istorya.

Kailangan kasi nilang alalahanin ang opinyon ng mga magulang at ng mga batang manonood.

Paliwanag ng direktor, “‘Yan po ang kinababaliwan namin ng creative team namin, baliw na po kami!

“‘Yong premise nando’n na, but we ask teachers if they have this law or rule that cannot fall in love.

“So we’re very careful, lalo na ang parents sasabihin, ‘Ay, ayaw ko manood ka niyan!’ pero ang mga bata, ‘Ay, gusto ko ‘yan.’ So we’re being careful.

“Medyo mahirap siya, mahirap na kumakapit na lang kasmi sa love na pinaniniwalaan namin, na kapag nagmahal ka naman talaga, hindi ka namimili.”

Bukod kina Denise at Martin, ilan pa sa mga gaganap para sa Pinatada ay sina Yen Santos, Lemuel Pelayo, Bernadette Allyson, Alma Concepcion, Rocardo Cepeda, Nikka Valencia, James Reid, Jess Mendoza, Eslove Briones, Deniesse Joaquin, Jommy eotico, Chase Vegam Katrina Legaspi, Erin Ocampo, EJ Jallorina, Lui Manansala, Dolly Gutierrez, Buddy Palad at Marky Roldan.

Mapapanood ang Precious Hearts Romaces Presents: Pintada mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing 5:15 ng hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN