SexBomb Girls to return to 'Eat Bulaga!'?


SexBomb will be reunited with their "Eat Bulaga!" family and will have a showdown with EB Babes


Malaki ang posibilidad na magbalik ang SexBomb Girls sa Eat Bulaga!. Bukas, Saturday, December 16, ay mag-ge-guest ang grupo sa number one noontime show kung saan sila nagsimula at nakilala.



It has been months na hindi nasilayan ang SexBomb sa Eat Bulaga!, at ito ay bunga ng away nina Joy Cancio, manager ng grupo, at Malou Choa-Fagar, SVP at COO ng TAPE, Inc., ang producer ng show.



A month ago ay nagkaayos na sina Joy at Malou. Sinorpresa ni Joy si Malou noong birthday ng huli nang nagpakita siya kasama ang kanyang SexBomb dancers sa Broadway. Binati nila ang big boss ng TAPE at may dala pa raw cake at gifts ang grupo para sa TV executive.



Matatandaang nagkasagutan noon sa cell phone sina Malou at Joy na humantong sa pagbababa ng telepono ni Joy kay Malou. Sinundan ito ng instructions ni Joy na huwag lumabas sa Eat Bulaga! ang kanyang mga dancers kahit na noon ay nasa labas na sila ng Broadway studio.

Para kay Malou at mga kasamahan sa Eat Bulaga!, ang hindi nila pagsipot ay isang malaking pagkakamali. Dahil dito, karakarakang tinanggal ang buong SexBomb group sa programang nagpasikat sa kanila.

Sa pagkawala ng SexBomb ay nagpa-contest ang Eat Bulaga! para sa bagong grupo ng dancers at tinawag nila itong EB Babes. Sa ngayon ay regular na ang sampung miyembro ng bagong dancers sa Eat Bulaga!.

Bagama't nawala ang SexBomb sa Eat Bulaga! ay hindi naman sila tuluyang nawalan ng proyekto. Ilan sa kanila ay lumalabas sa afternoon drama series na Daisy Siete sa GMA-7, samantalang ang iba naman ay patuloy pa ring rumaraket sa shows at concerts sa Kamaynilaan at mga probinsiya.

Ngunit hindi maipagkakaila na parehong naapektuhan ang SexBomb at Eat Bulaga! sa nangyari. Bukod sa pagkawala nila sa isang regular Monday-Saturday show sa telebisyon, hindi maipagkakailang nabawasan ang popularidad nila. Samantala, nabawasan din, kahit papaano, ang sigla at saya ng Eat Bulaga! nang nawala ang grupo sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyon nga lang, sa kabuuan, mas malaki ang nawala sa SexBomb dancers at kay Joy. Patuloy pa ring namamayagpag ang Eat Bulaga! matapos ang 27 years sa telebisyon.


Kung matuloy ang guesting ng SexBomb bukas, hindi kaya sign na ito ng kanilang tuluyang pagbabalik sa Eat Bulaga!? At paano naman ang EB Babes kung sakaling bumalik ang SexBomb?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN