Edu Manzano believes "1 vs. 100" is the game of the future


"I would like to say na ang 1 vs. 100,this is the game of the future... It's visual candy talaga, e," says Edu Manzanoabout this Endemol quiz show that airs every Saturday night on ABS-CBN.


Impressive ang ratings ng dalawang magkasunodna Sabado ng bagong game show ng ABS-CBN na 1 vs. 100 hosted by EduManzano. Sa katunayan, ibinalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal)na nagkaroon ng 27.3 percent rating ang pilot episode ng show na itonoong August 25.

Kakaiba ang game show na ito dahil maglalabanang isang studio player at ang mob o grupo ng 100 contestants na sasagot sa mgatrivia questions para mapanalunan ang P2 million.

Sa dalawang naunang episodes, ang ComedyQueen na si Ai-Ai delas Alas ang unang naglaro at sinundan ng komedyanteng siBrod Pete o si Isko Salvador. Noong Sabado, September 8, ang EntertainmentLive! at Wowowee host na si Mariel Rodiguez naman ang nakalaban ngmob.

Mahalaga ang role ng host na si Edu dahil na rin sa bagong format nito at daming contestants na maglalaro. Bukod sa 1 vs. 100, nagho-host rin si Edung Game KNB? sa Kapamilya network.

"Kahit saan mo tingnan bagaman mataas angaking expectation sa 1 vs. 100, natatakot din kami kasi baka kagaad-agadmedyo maging napakalakas ng dating ng programa because you being therenararamdaman mo yung electrification. Because it's electrifying, e. Lalo nakapag nagre-react ang mob.

"Pati ako tumataas ang balahibo ko every timesumisigaw ako ng 1 vs. 100. Sinasabayan ng music, stingers, ng ilaw yungsigaw. Akala namin kasi masyadong malakas ang dating para sa Pinoy audience.Pero base doon sa naging ratings ng first two episodes, kaya naman,"obserbasyon ni Edu.

TOP PRIORITY. Naiintriga ulit si Edu kung nagagawa pa rinba niya ang tungkulin niya bilang Chairman ng Optical Media Board (OMB) sa raming programa niya sa TV ngayon.

"As a matter of fact, kinuwestyon nga ‘yon, eand I answered it. I wake up every morning at three o'clock and I'm at ABS-CBNat 4:30. Nagpro-programa kami hanggang 8:30. At 8:45 diretso muna ako sa opisinako which is only two blocks away. Kaya kong lakarin yung OMB and we stay therefor the entire day unless may meeting sa labas or mga raids at operations. Andthen, nagti-tape kami ng Game KNB? already mga 6:30 ng gabi na inaabotkami ng mga 11:30 ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, sa loob ng isang araw tatlongepisodes na ang aming ginagawa. Dalawang araw lang sa isang linggo para mabuonamin ang one week episode ng Game KNB? At dito naman sa programa natin sa 1 vs. 100, mas mabilis yunhalos taped as live na yun, e, hindi

gaya ng Game KNB? And we only tape twoepisodes every other Saturdays. So, hindi talaga nakaka-affect doon sa akingschedule and I made sure na ‘yun pa rin ang ating priority, ang OMB."

Alin ang mas challenging para sa kanya as ahost, ang Game Ka Na Ba? o ang 1 vs. 100?

"Actually, it is exciting ultimo yung hostmae-excite lalo na halimbawa ilang buwan nagkamali tapos unti-unti mongnakikita...I have seen previous episodes na pina-review sa akin at kung saan saisang tanong lang and yung mga nagkakamali 40, 50 [persons].

"Kapag nakita mo yung complexities nito,unang-una I will be forever indebted to Ms. Kris Aquino for sharing her showwith me. I have said it once at uulitin ko po sa kanya pa rin po yun [GameKa Na Ba?].

GAME OF THE FUTURE. Bilib na bilib si Edu sa Endemol game show na1 vs. 100. Sa katunayan, tinatawag niya itong game of the future.

"I would like to say na ang 1 vs. 100,this is the game of the future. Yung klase ng complexity in a game show, yungdemand, ganu'n pa rin kadali pero yung visual candy na ino-offer sa televiewer,well it might seem very exciting for the mob, for the host. This is primarilygeared for the televiewers. It's visual candy talaga, e. Kung kami sa studiograbe ang excitement sa loob ng studio, yun pa kayang mga nanonood?"

Sa higpit ng schedule niya, paano pa niyanabibigyan ng panahon ang kanyang personal business and love life?

"Unang-una kasi, lifestyle change ito. Ireally committed myself to [change my] lifestyle. Hindi na ako luamalabasngayon 'pag gabi. I stopped smoking. I stopped drinking. It's fantastic.Kailangan I have to be in bed by 8 o'clock to 8:30 and hopefully I get up andthen go home mga nine o clock. So, okey naman. But with that [schedule], I canstill have a love life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakiusap naman si Edu sa members of the presssa presscon ng 1 vs. 100 na gawin na lamang birthday gift sa kanya angpag-iwas ng tanong tungkol sa kanyang lovelife.

"You know, gusto ko lahat pasalamatan angpress because you have allowed me a certain degree of privacy andah...maraming-maraming salamat. Ito na lang siguro ang magiging birthday presentninyo sa akin dahil it comes but once a year, okey?"

Any wish for his birthday?

"I'm so blessed. I truly am. I never imaginedna we met at this point of my life. Para akong nagsisimula ulit. I wake up withthe same energy. I'm very grateful that I'm very healthy and hopefully I willstill be. I've been in the business 27 years. I've been with ABS since 1986 andI've been working with them with the same people since then and the best partof it, I still continue to enjoy waking up working with them everyday untilnow."

Lastly, naniniwala ba siya sa kasabihang lifeis a gamble? And does he gamble with love?

"Always remember, stay off the grass," birongsagot ni Edu, who will be turning 52 this Friday, September 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN