Mariel Rodriguez and Robin Padilla created a “web show” so they could work with each other despite being on rival TV networks

Sinabi ni Mariel Rodriguez (nasa larawan) na naisipan daw nila ni Robin Padilla na gawin ang web show na LOL: Love On Line dahil hindi sila maaaring magkasama sa iisang programa sa telebisyon. Si Mariel ay kasalukuyang nagtatrabaho sa TV5 samantalang si Robin ay parte ng ABS-CBN.



Isang “web show” ang ilulunsad ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla na pinamagatang LOL: Love On Line.

Isa itong reality show kung saan puwedeng magkasama ang mag-asawa na nagtatrabaho sa rival TV stations. Si Mariel ay kasalukuyang nasa TV5 samantalang si Robin ay parte ng ABS-CBN.

“So, we’re going to have a web show,” pagsisimula ni Mariel na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press kanina, Agosto 15.

“It’s a reality show na sa web namin ipapalabas. One of the reasons why we’re going to do it this way is because Robin is in ABS-CBN and I’m with TV5, so how are we going to have a show together?

“Pero dahil we want to continue… dahil maraming naniniwala sa love namin, at para na rin sa mga hindi naniniwala, pati na rin sa mga nagdya-judge. So ito, papakita namin sa inyo na puwede, puwede itong mangyari, may ganoong klaseng love.

“At saka it’s also for our supporters na naniniwala na nando’n ‘yong love, specially ngayon na ang bilis-bilis na ng mga pangyayari sa lahat.

“Ngayon through this, makikilala n'yo talaga si Robin, ‘yan ang promise ko sa inyo, his makulit side.”

"DIARY" OF MARIEL. Bukod sa pagbabahagi ng ilan nilang mga pang-araw-araw na gawain at travels abroad, isang paraan din daw ang show na ito upang mas makilala ng mga tao sina Mariel at Robin.

Ani Mariel, makikita dito ang “total turn around” sa buhay nilang mag-asawa simula nang magsama sila.

Isa pa sa mga kinagulat ng lahat ay nang sabihin ni Mariel na si Robin mismo ang may ideya sa programang ito.

Hindi kasi gaanong aktibo si Robin sa ilang social networking sites tulad ng Twitter.

“Actually, si Robin talaga, gusto niya ‘to. Kasi feeling niya ito ‘yong… this is my diary that we’re sharing with people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi tayong lahat, we have our own stories to tell, parang kung dati nagsusulat tayo ng libro, ngayon pinapakita namin.

“It’s just that hindi lang kami makapagpakita sa… ang bago lang, I had to introduce to Robin to do it on line.

“Kasi nga hindi kami puwede dahil magkahiwalay kami ng network. Pero I don’t want that to stop us from being able to inspire people.”

Isa pang pangbubuko ni Mariel sa kanyang asawa, nahihilig na daw ito sa pagsi-share ng mga larawan sa pamamagitan ng Instagram.

Ang Instagram ay isang libreng photo sharing application na nagsimula sa iPhone, iPad at iTouch products, na ngayon ay puwede na rin magamit sa mga android phones.

“You can follow him in Instagram, Robinhoodpadilla, and he’s just the cutest!” bulalas ng TV host.

“Hindi talaga kayo magsisisi na pina-follow n'yo siya. Kasi alam niya dati Facebook lang, ngayon pati Instagram.

“Feeling niya dati ‘yong Facebook, ‘yon ang diary niya. Ngayon itong Instagram in-introduce ko sa kanya.

“Sumasagot siya do’n, sabi niya ‘yong mga nagre-reply do’n, sinasagot niyang lahat, mga kaibigan niya daw ‘yong mga ‘yon. So, nagkukuwentuhan daw sila, hindi lang sila nagkikita-kita, pero magkakaibigan sila, sabi niya, ‘Thank you for introducing this to me.’

“No’ng isang araw nga may fan na nag-request na magpa-picture siya sa PBB [Pinoy Big Brother] teen na si Karen [Reyes], ginawa niya, ‘O, ayan ha, bayad na ‘ko sa utang ko sa ‘yo,’ sabi niyang gano’n.

“So, natutuwa din siya kasi nasa Australia ngayon si Kylie, kapag may nakikita siyang picture ni Kylie, ay like!”


Si Kylie ay anak ni Robin sa dating asawa na si Liezl Sicangco.

BOTH USED TO REALITY TV. Aminado sina Mariel at Robin na hindi sila naiilang sa pagbabahagi ng ilang pribado nilang aktibidad na mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Mariel, pareho naman daw sila ni Robin na simula pa lamang ng kanilang mga career ay parati nang sinusundan ng publiko ang mga ginagawa nila.

Si Robin kasi ay kilala sa pagiging malapit niya sa kanyang mga fans. Hindi siya nagdadalawang isip na magpakuha ng litrato o kamayan sila sa tuwing lalapitan siya ng mga ito.

Habang si Mariel naman ay nagsimulang maging co-host sa GMA-7 show na Extra Challenge (2004), na sinundan ng pagiging co-host ng reality show na Pinoy Big Brother (2005) ng ABS-CBN.

Pero pagsisiguro ni Mariel, hindi naman daw lahat ng personal na aktibidad nila’y ipapakita nila sa publiko, mayroon din naman daw silang “moments” na sa kanila lang.

Paliwanag niya, “We’re welcoming them sa homes namin …Kasi feeling ko, when you have naman good intentions, I’m not referring to other celebrities, kami naman kung tingin naming makakatulong, makaka-inspire sa mga tao, then we wanna share it.

“Kasi feeling ko kasama namin sila sa love story namin sa Wowowee, nakikilig sila, e, alam mo ‘yon?"


Matatandaan na naging malapit si Mariel kay Robin nang maging host ang action star sa dating noontime show ng ABS-CBN, ang Wowowee.

Dagdag pa ni Mariel: “Malaking factor na nakikita mong may mga taong ngumingiti kapag nakikita kayo. Parang, wow, we owe it to them na dapat masaya.”

TRAVELOGUE. Dalawang bagay ang pinagmamalaki ni Mariel tungkol sa kanilang one-hour program na Love On Line.

Una, kanila raw makaka-chat ang mga tagapanood sa naturang streaming channel.

Pangalawa, tila isang “travelogue” ang show na ito dahil sa mga videos at pictures na ipapakita nila mula sa kanilang mga travels abroad.

Tatlong linggo na nilang sinusubukan ang ang streaming channel na ito, at masaya si Mariel sa feedback na nakukuha nila.

“It’s more interactive, plus ‘yong mga nasa abroad, kahit nasaan man sila, if they log on, they can connect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos mayro’n pa na nagko-comment sila sa mga activities namin, like, ‘Ay, favorite din namin ‘yan!’ Tapos natutuwa sila na ‘yong mga ginagawa nila, ginagawa rin pala ng ibang artista, tulad ni Robin.

“Pero so far hindi pa nagcha-chat si Robin, ako pa lang.”

Pormal na ilulunsad nina Mariel at Robin ang Love On Line sa darating na Linggo, Agosto 19, alas tres ng hapon sa website na www.ustream.tv/channel/realitytv.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN