Rainier Castillo plays a gay performer in "Magpakailanman"

by Ruel J. Mendoza
Sep 11, 2007
Rainier Castillo will transform into a transvestite when he dons gowns and hair extensions for the September 13 episode of the GMA-7 show Magpakailanman.

Isang malaking challenge para sa young actor na si Rainier Castillo ang gumanap bilang isang bading sa pagbibidahan niyang episode sa Magpakailanman this Thursday, September 13. Gagampanan ni Rainier ang papel ng comedy-bar performer na si Jason Quion, ang bading na taga-Iligan City na big fan at kaboses ni Regine Velasquez.

Matatandaang nadiskubre ng Showbiz Central si Jason nang mapanood nila ito sa You Tube kung saan ginagaya niya ang Asia's Songbird. Pagkatapos mapanood ang istorya niya sa Showbiz Central ay kinuha siya ni Allan K. bilang performer sa kanyang comedy bars na Zirkoh at Klownz.

Kilala na si Jason ngayon bilang si Jason V. Last August ay natupad ang dream niyang makasama sa isang show ang kanyang idolo na si Regine. Pero sa likod ng mga pagtupad ng pangarap na ito ay may malungkot na mga bahagi ng buhay pala si Jason na may kinalaman sa kanyang pamilya.

Ang buhay nga niya ang gagampanan ni Rainier sa Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Kakaibang experience daw para kay Rainier ang gumanap bilang si Jason. Hindi naman actually ito ang first time na gaganap na bading si Rainier dahil nagawa na niya ito noon sa Pelikulang Lovestruck at sa iba pang guestings niya sa TV. Pero this time ay babae ang dating niya at lalagyan pa siya ng hair extensions at pagsusuutin pa siya ng mga gowns.

"Nakakakaba kasi ipinagkatiwala nila sa akin ang role na ito at sana nga magampanan ko nang maayos," nakangiting pahayag ni Rainier sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Na-meet ko na si Jason at nakapag-usap kami regarding sa buhay niya. Nakaka-touch kasi nawalan siya ng ama at nalayo siya sa pamilya niya. Nakaka-relate ako kasi lumaki rin ako na walang ama. Marami rin ang makaka-relate sa ibang parte ng buhay ni Jason."

Sa mga eksenang kakanta si Rainier, boses daw mismo ni Jason ang ginamit. Nahirapan daw siya sa pag-lipsynch dahil bumibirit kasi si Jason.

Continue reading below ↓


"Kailangang sabayan ko siya lalo na dun sa scene na may mga shows ako. Bukod sa malaking challenge ang pag-lipsynch, naka-gown pa ako, naka-high heels, at naka-hair extensions. Makapal din ang makeup na nilagay sa akin para talagang babae ang dating ko.


"Pero kahit mahirap, nagawa ko pa rin gampanan ng maayos. Lahat naman ng ito ay para rin sa ikagaganda ng Magpakailanman at para matuwa rin si Jason sa pagganap ko," sabi ni Rainier.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rainier Castillo will transform into a transvestite when he dons gowns and hair extensions for the September 13 episode of the GMA-7 show Magpakailanman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results