TODA Max cast do their share to help flood victims


Hindi nagpatinag sa lakas ng hangin at buhos ng ulan ang mga Kapamilya stars sa pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.

Ilan sa mga lakas-loob at buong-pusong namahagi ng tulong ay ang TODA Max stars na sina Robin Padilla, Angel Locsin, at Pokwang.

Sa kasagsagan ng hagupit ng hanging habagat noong isang linggo, namili ng mga grocery items si Angel Locsin kasama ang kasintahang si Phil Younghusband para ipamigay sa mga nasalanta.

Ayon sa aktres, sa ganitong panahon daw higit na kailangan ang pagtutulungan ng mga Pilipino.

“Sana yung mga kayang tumulong sa kapwa, lumabas ngayon ng bahay nila at ipakita sa iba yung pagpapahalaga nila,” ani Angel.

Kasama ang asawang si Mariel Rodriguez, hindi inalintana ni Robin Padilla ang malakas na buhos ng ulan para makatulong sa kapwa.

Agad na nagluto ng pagkain si Binoe upang ipamigay sa mga kapitbahay nito sa Quezon City na matindi ring nasalanta.

“Kilos mga kabayani, hanggang Biyernes ang ulan!” panawagan pa ng aktor sa iba pang kababayan.

Si Pokwang naman ay namigay ng mga damit at pagkain sa Sagip Kapamilya.

ON TODA MAX THIS WEEK. Samantala, hindi rin maipagkakaila ang pagiging matulungin nina Isabel (Angel Locsin) at Tol (Robin Padilla) sa pamilya’t kababayan sa comedy series na TODA Max.

Sa lalong lumalalim na hidwaan ng amang si Tatay Mac (Al Tantay) at kasintahang si Justin (Vhong Navarro), sinusubukang tulungan ni Isabel ang dalawa na magkaayos at maging isang pamilya.

Masusubukan naman ang pagiging matulungin sa kapwa ni Tol nang magkaroon ng serye ng kidnapping sa eskuwelahan ni Ronron (Izzy Canillo).

Huwag palalampasin ang TODA Max, kung saan makakasama pa si Cristine Reyes bilang teleserye-addict social worker na si Joy.

Ito ay ngayong Sabado, August 18, pagkatapos ng X Factor Philippines sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN