Banana Split star Zanjoe Marudo reveals interest in golf


Lingid sa kaalaman ng marami, golf ang paboritong sport ni Zanjoe Marudo, at tulad ng karamihan sa mga manlalaro, naging pangarap din niyang sumikat sa larangan ng golf.

Ayon kay Zanjoe, “Lahat naman siguro nangangarap na maabot ‘yung sobrang prestigious na competition na ‘yun.

“Sa ngayon, ine-enjoy ko lang yung paglalaro.”

Ayon sa aktor, ang paglalaro ng golf ang paborito niyang gawin pag may libre siyang oras. “Nakaka-kalma kasi at sobrang nakaka-enjoy na rin.”

Sinabi rin ni Zanjoe na ang girlfriend na si Bea Alonzo ay nakakasama rin daw niyang maglaro ng golf, lalo na kapag may oras ito.

ON BANANA SPLIT THIS SATURDAY. Samantala, sa pagtatapos ng London Olympics, gagawa ang Banana Split ng mga spoof ng ilang sports at aawit din sila ng re-lyric songs tungkol dito.

Sa “Hot Issue” naman, mapapanood ang spoof version ng ligawan ng dalawang sikat na Kapamilya stars at ang grand premiere night ng pelikulang The Reunion.

Panoorin ang lahat ng ‘yan sa Banana Split, ngayong Sabado (Agosto 18) pagkatapos ng TODA Max, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN