Arnold Clavio's Rescue will tackle the tragic plane crash that killed Interior Secretary Jesse Robredo


PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Noong Sabado, August 18, nagimbal ang buong bansa sa balitang nag-crash ang eroplanong sinasakyan nina Interior Secretary Jesse Robredo, ang kanyang aide na si Police Chief Inspector Jun Paolo Abrazado, at ng dalawang piloto nito na sina Captain Jessup Bahinting at Kshitiz Chand, isang Nepalese national.

"Kagagaling lang ni Robredo sa groundbreaking ceremony ng bagong PNP Regional training Center sa Cebu bilang kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III. Dumiretso siya sa Mactan Cebu International Airport pero imbes na sa commercial plane, nagdesisyon ang kalihim na sumakay sa Piper Seneca Private Plane na pag-aari ng Aviatour Air.

"Bandang alas singko ng hapon, nakatanggap ng distress call ang Masbate Airport mula sa eroplano, pero ilang saglit pa, tuluyan na itong bumagsak sa Masbate Bay. Sa kabila ng malagim na trahedya, may mga bayaning hindi nag-atubiling tumulong para mahanap ang mga biktima.

"Ngayong Huwebes ng gabi sa Rescue ng GMA-7, samahan si Arnold Clavio at tunghayan ang makapigil-hiningang search and rescue operation at ang mga kuwento ng kabayanihan sa kabila ng trahedya.

"Isa na rito ay ang ginawang pagsagip ng isang mangingisda sa aide ni Secretary Robredo na si Abrazado matapos itong makitang palutang-lutang.

"Kritikal ang sumunod na apat na araw lalo pa't hindi pa rin matagpuan ang kalihim at ang dalawang pilotong sakay ng eroplano. Nagsanib puwersa ang Philippine Navy, Philippine Airforce, at Philippine Coastguard sa paggalugad sa dagat ng Masbate. Tinutukan at binantayan ng mismong Pangulo at ni DOTC Secretary Mar Roxas ang tinaguriang Task Force Kalihim. Tumulong na rin ang volunteer divers mula sa Cebu at Malapascua at volunteer technical divers mula sa ibang bansa.

"At nitong Martes nga ng umaga, natuldukan na ang paghihintay. Narecover ng mga diver ang katawan ng kalihim. Abangan ito sa Rescue ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN