Miles Ocampo and Marco Gumabao spotted on a date


Nahuli ang teen actress na si Miles Ocampo at ang LUV U co-star niya na si Marco Gumabao na magkasama sa isang mall sa Maynila. Nakita ang dalawa na abot-tainga ang ngiti habang magka-holding hands.


“Maganda po yung panahon di tulad po noong mga nakaraang linggo kaya naisip namin, bakit hindi tayo lumabas?” saad ni Miles.


Nang tanungin kung ito ba ay isang opisyal na date, inamin ng dalaga na ito nga ay isang date. “Date po ‘yun sa pagitan nina Camille at JB, yung characters po namin sa LUV U.


“Siguro po sa future magkakaroon po kami ng mas private na date, yung walang mga camera. Malay po natin,” natatawang sinabi ni Miles.


Samantala sa LUV U, napagkasunduan ng magkasintahang Camille (Miles) at JB (Marco) na magkaroon ng official date kaya naman nag-plano silang magkita sa isang mall na walang paalam mula kay Lola Paula (Joy Viado) dahil alam nilang hindi ito payag sa kanilang relasyon.


Sa kasamaang palad malalaman ni Lola Paula at susundan ang dalawa.


Sino ang nagsabi kay Lola Paula? Alamin sa LUV U ngayong Linggo (September 2) pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN