Robin Padilla and Cristine Reyes “perfect Sunday” photo will spread on TODA Max

Sep 7, 2012

Matapos lumabas ang “Perfect Sunday” na picture ni Angelica Panganiban kasama ang actor na si John Lloyd Cruz sa photo sharing website na Instagram, naging madalas ng gamitin ngayon ang mga katagang, “perfect Sunday.”

Dahil dito, nagkaroon tuloy ng isyu tungkol sa dalawang Kapamilya stars.

Halos ganito rin ang mangyayari sa weekly sitcom na TODA Max ngayong Sabado, September 8.

Meron din kakalat na larawan tulad ng kina Angelica at John Lloyd sina Cristine Reyes at Robin Padilla sa episode ngayong linggo.

Darating si Diane, na ginagampanan ni Valeri Concepcion, upang magkaayos na sila ng ang kasintahan niyang si Tol, na ginagampanan naman ni Robin.

Ngunit sa halip na magkabati, lalong gugulo ang kanilang sitwasyon dahil sa kumalat na larawan nina Tol at Joy, na ginagampanan ni Cristine.

Samantala, tuluyan nang titira si Joy sa Beverly Gil Street at makakasama na niya ang pamilya ng TODA Max nang mas matagal-tagal.

Continue reading below ↓

Ang pagiging malapit kaya ni Joy kay Tol ang ang maging dahilan upang tuluyan nang maghiwalay ang magkasintahan?

Alamin sa TODA Max ngayong Sabado pagkatapos ng The X Factor Philippines sa ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results