Nathaniel “Mang Tani” Cruz hosts his own science magazine program titled Hamon ng Kalikasan

Nathaniel “Mang Tani” Cruz stars in his own science magazine program called Hamon ng Kalikasan. It will start airing on September 20, after State Of The Nation on GMA News TV Channel 11.



Mula sa pagbabalita ng lagay ng panahon, mapapanood na natin si Nathaniel “Mang Tani” Cruz sa kanyang sariling programa, ang Hamon ng Kalikasan.

Nais ng programang ito na makapaghatid ng komprehensibong kaalaman tungkol sa mga natural na kalamidad na nangyayari sa ating bansa tulad ng pagbabaha, lindol, at mga landslides.

Bukod sa pagbabalita tungkol sa mga kalamidad na ito, sasabihin rin nila ang mga paraan kung paano makakaligtas sa mga ganitong uri ng kalamidad sa bansa.

Kasama ni Mang Tani ang weather consultant na si Karen Cardenas, na naging “hobby” na ang pag-aralan ang lagay ng panahon at iba pang natural na kalamidad na dumadating sa bansa.

WEATHER FORECASTER TURNED TV PERSONALITY. Unang nakilala si Mang Tani ng publiko bilang weather forecaster mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Taong 1982 nang magsimula siyang magtrabaho sa PAGASA, hanggang sa magretiro siya noong 2010 at magdesisyon na magtrabaho sa Darwin, Australia.

Mag-isa siya doon dahil ayaw sumama sa kanya ng asawa’t tatlong anak niya, na may edad na 27, 24 at 22.

Matapos ma-comatose ng kanyang asawa noong minsan dalawin siya sa Australia para sa kanyang kaarawan, napilitan si Mang Tani na iwan ang trabaho doon at bumalik ng Pilipinas.

Taong 2012 nang bumalik siya sa Pilipinas kasama ang kanyang misis, at bagamat iniwan niya ang trabaho sa ibang bansa, binigyan naman siya ng offer ng GMA-7 upang maging resident meteorologist.

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) at ilang entertainment press noong Setyembre 17, kung paano nga ba siya kinausap ng GMA upang maging resident meteorologist.

“Kung mapapansin ninyo, kahit noong nandoon pa ako sa PAGASA, kapag nagbabalita ang GMA ng tungkol sa bagyo ang kinukuha talaga nila meteorologist.

“E, ako ang madalas na spokesperson. So noong medyo nagkahulihan na kami ng loob at nalaman na…

“Kasi isang maganda sa Channel 7, although hindi ko ina-ano, ha, ayaw nila na matawag na sila, eh, namimirata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So noong nandoon ako sa PAGASA, they never offered me na pumunta ako dito sa kanila. At noong ako’y umalis, at saka lamang nila sinabi na, ‘Kung gusto mo, Mang Tani, eh, dito ka na lang.’”

“Marami” ang pinagkaiba ng trabaho niya noon sa PAGASA at ngayon sa GMA.

“’Yong official spokesperson, more on ‘yong pagbabalita ko as a meteorologist,” pagbabahagi niya nang makausap siya ng PEP.ph sa 17th floor ng GMA Network building sa Timog, Quezon City.

“So kung gumagamit man ako ng mga technical terms, walang ano sa akin ‘yon.

“Pero ngayon na nandito na ako sa GMA, at katulad ng show na ito, eh, I have to choose words that will be understood by the common tao. At maging doon sa pang-araw-araw na pagbabalita natin, gano’n din ‘yon.

“So ‘yong mga nakasanayan kong isolated rain showers at thunderstorms, medyo hindi na muna ‘yon ang ano namin.

“So ang isipin lagi, ang nakikinig sa ‘yo ay hindi ‘yong meteorologist.”

Aminado si Mang Tani na sa PAGASA o sa GMA man siya magtrabaho, malaki ang responsibilidad na nasa kamay niya.

Pero ngayon na ibang “public service” ang kanyang ginagawa, hindi lamang paghahatid ng lagay ng panahon ang mahalaga, kundi pati na rin ang pagbibigay babala sa ang publiko upang maghanda para sa mga kalamidad.

THE FORMAT. Ipinaliwang ng program manager na si Karen Lumbo ang magiging format ng 30-minute show na ito ni Mang Tani.

Napuna kasi nila na nitong mga nakaraang buwan, sunud-sunod ang mga “natural phenomenon” na nangyayari sa bansa.

"Kaya naman naisip nilang ipaliwang sa publiko kung ano nga ba ang mga ito, kung bakit sila nagaganap at kung ano ang mga paraan upang maiwasan ito.

“Kasi parang suki tayo ng mga ganyan,” paliwanag ni Karen.

“May mga bagyo, may baha, we’re also in the Pacific Ring of Fire. So ‘yong mga earthquakes, mga volcanic activities sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kumbaga, maraming natural phenomena na nangyayari dito, na gusto sana namin is mas maintindihan ng mga viewers.

“Kasi the more information you have, the more we can prepare for it, that we plan for it. Mas malaking public service ‘yong mabibigay namin.”

Mapapanood na ang 30-minute science magazine program na Hamon ng Kalikasan sa Setyembre 20, pagkatapos ng State Of The Nation sa GMA News TV Channel 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN