KC Concepcion shares her Paris experience through a TV special


KC Concepcion, daughter of Megastar Sharon Cuneta and former matinee idol Gabby Concepcion, shares her life in Paris via a TV special titled KC From Paris to Pinas, to be aired on September 23 in ABS-CBN. In this photo taken in front of the Eiffel Tower, KC is with Chris Violago, the headwriter of the TV special.


Marami na ang nag-aabang sa TV special na ginawa ni KC Concepcion para sa ABS-CBN na ipapalabas sa September 23. Titled KC From Paris to Pinas, the special chronicles the life of KC sa apat na taong inilagi niya sa Paris as a college student.



Ayon sa aming source na konektado sa production ng TV special ni KC, mismong sa campus (American University in Paris) kung saan nag-aral si KC for four years kinunan ang mga mahahalagang bahagi ng TV special. Siyempre, kasama rin si KC sa mga eksenang kinunan.

Mula sa loob ng campus, sa library, sa cafeteria ng school, pati sa dorm niya ay may kuha si KC. Talagang nilibot daw ng TV crew ang buong campus. May interview rin daw sa mga classmates ni KC, pati sa kanyang mga teachers.



Commendable ang ginawang effort ng ABS-CBN na magpadala ng TV crew sa Paris to document everything na importante kay KC during her college life. Gusto nilang maging truthful sa desire ni KC na maibahagi nang maayos and in full sa mga tao ang naging experience niya while in Paris. Pag napanood mo ang TV special, para ka na ring kasama ni KC habang naroon siya sa Paris.



Noong September 10 ginanap ang presscon ni KC para sa kanyang TV special. KC talked about her life and experience in Paris, at siyempre tungkol din sa TV special na tiyak na magiging memorable para sa kanya.


Ayon sa press kit na ipinamigay that day, ikinuwento ni KC ang mga bagay na kanyang natutunan sa siyudad na tinaguriang "The City of Lights," ang Paris.

"This project [TV special] is close to my heart as it allows me to share my 4-year Paris experience with all of you. I'll be able to show you around the city I fell in love with. You'll get to see the places I adored, and meet the friends who helped make the city my second home. I promise it is like nothing you've experienced before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung dito sa Pilipinas, maraming tumutulong para maging mas maging madali ang buhay ko, sa Paris talagang napanindigan ko ang ibig sabihin ng INDEPENDENCE. In that city, I did not get any special treatment and I did stuff that I couldn't do here-like commute, do my own market, budget, and yes...clean my own home!"

Abangan ang KC From Paris to Pinas sa September 23 pagkatapos ng That's My Doc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN