Maricar Reyes joins Jodi Sta. Maria and Richard Yap in ABS-CBN teleserye

Maricar Reyes (left) joins the cast of Be Careful With My Heart, which is topbilled by Jodi Sta. Maria (right) and Richard Yap.


Si Maricar Reyes ang bagong dagdag na karakter sa Be Careful With My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Mismong si Maricar ay excited na sa magiging reaksyon ng loyal viewers ng kilig-serye kaugnay ng role niyang si Rafi, ang best friend ng Sir Chief (Richard) ni Yaya Maya (Jodi).

“Masayang-masaya ako lalo na dahil light lang and feel-good ‘yung story ng Be Careful With My Heart,” sabi Maricar ayon sa release na ibinigay ng corporate communications department ng ABS-CBN. “Ibang klaseng character naman ang susubukan ko. Mas masayahin naman. Sana matuwa ang viewers kay Rafi.”

Nang tanungin kung magiging kontrabida ba siya sa love story nila Maya at Sir Chief, maikli lamang sagot ni Maricar.”Yun and dapat abangan nating lahat.”

Samantala, halos anim na libong fans ng Be Careful With My Heart ang dumagsa kamakailan sa “Kapit-Bisig Day: The Grand Album Launch" na ginanap sa SM Muntinlupa. Mismong sina Jodi at Richard ang nanguna sa nasabing event, na dinaluhan rin ng iba pang cast members ng show kabilang sina Mutya Orquia (Abby), Rosario Carlos (Doris). Vivieka Vivieka (Sabel), Janella Salvador (Nikki), at Jerome Ponce (Luke).

Mapapanood ang Be Careful With My Heart tuwing 10:45am, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN