Angel Locsin on possible reprise of role as Darna: “Sabi nga nila, kung sino ang mapalad, sa kanya ibibigay ang bato.”

"Tutuhugin" ni Angel Locsin ang dalawang awards ceremonies ngayong gabi—ang 60th FAMAS Awards at 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA). Nominated sa Best Actress category ng FAMAS si Angel sa pagganap sa pelikulang In The Name of Love. Nominated naman ang kanyang show na Toda Max bilang Best TV Comedy Program sa CMMA.


Mistulang na-starstruck ang ilang miyembro ng media nang makita kagabi, Setyembre 24, ang isang mas payat at mas seksing Angel Locsin.

Dumating sa Marriot Hotel, Resorts World Manila ang aktres upang pasinayaan ang launch ng ineendorso niyang Avon Slip Into fragrance.

Matapos ang programa, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel. Dito’y sinabi niya na "proper diet" at "regular exercise" ang sikreto sa likod ng mas seksi niyang hubog ng katawan.

Dagdag pa niya, “Ako kasi, naniniwala talaga ako na ang happiness, nakakaganda.”



AWARD NOMINATIONS. Masasabing very happy nga si Angel ngayon dahil nominado na naman siya bilang Best Actress sa 60th FAMAS Awards.

Ito ay para sa pagganap niya sa pelikulang In The Name of Love ng Star Cinema.

Makailang beses nang na-nominate at nanalo ng best actress trophies si Angel ngayong taon para sa pagganap niya sa naturang pelikula.

Ano ang pakiramdam niya ngayong makakatunggali na naman niya sa award ang mga gaya nina Anne Curtis at Cristine Reyes—ang female lead stars ng box-office hit na No Other Woman?

“Yeah, actually sila Ate Pokwang din. Marami kami [na nominees], e.

“Well, sana, sana, sana manalo. Pero hindi ko masabi…

“Parang kung mapunta rin naman kasi sa iba, mga kaibigan ko rin naman ito… masaya rin ako para sa kanila.

“Pero mas magiging masaya ako kung sa akin siyempre napunta. Pero at least mga friends ko sila,” nakangiting pag-amin ng aktres.

Bukod dito, nominado rin ang sitcom ni Angel na Toda Max sa Best TV Comedy Program category ng 34th Catholic Mass Media Awards.

Parehong magaganap ngayong gabi, Setyembre 25, ang naturang awards shows, at excited na nga si Angel na “tuhugin” ang dalawang events na ito.

Nang tanungin kung dadalo siya sa FAMAS Awards, “Yes!” ang naging sagot ni Angel.

“At saka sa Catholic Mass Media Awards… Kasi iyong Toda Max kasi nominated, so siyempre ano kami, excited kami kasi first ano namin, nomination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, pupunta lahat ng cast.

"May taping kami bukas [Setyembre 25], mag-start kami ng maaga para makapunta kami sa awards night nga.”

Kabilang pa sa cast members ng Toda Max sina Robin Padilla, Vhong Navarro, at Pokwang.

May makakasama bang escort si Angel sa dalawang awards ceremonies ngayong gabi?

“Buong ano, buong Toda Max nandoon kami. Lahat—simula director, hanggang sa amin.”

E, ang boyfriend niyang football player na si Phil Younghusband?

“Hindi siya pupunta. I think may ano, may schedule din siya, e.

“At saka ano rin kasi ito, e, thing ito ng Toda Max so parang kawawa rin naman siya kapag isasama ko. Baka ma-OP [out of place] naman.”

YOUNGHUSBANDS, NO LONGER PART OF AZKALS? Speaking of Phil, nahingan din ng komento si Angel tungkol sa balitang natanggal na diumano sa Philippine Azkals football team ang kanyang nobyo at kapatid nitong si James Younghusband.

Isang artikulo tungkol sa istoryang ito ang lumabas sa sports website na SPIN.ph noong Linggo, Setyembre 23. (CLICK HERE to read more about this story)

Ayon kay Angel, “Actually, hindi ko pa talaga nakakausap si Phil kasi kahapon [Setyembre 23] lang yata nangyari ito.

“Pero kahapon kasi, habang naglalaro si Phil for Meralco [Sparks football team]…

“E, usually pag naglalaro iyon, hindi iyon tumatawag. Hindi niya hawak talaga iyong telepono kasi nagko-concentrate siya.

“So, nagulat ako, tumawag siya sa ‘kin… habang may game, ha!

“So, sabi ko, ‘Bakit? Anong problema?’

"Tapos, sabi lang niya, ‘Wala, gusto lang kitang makausap,’ ganyan, ganoon.

“E, nabalitaan ko na sa isang friend ko iyong nangyari, so alam ko na kung paano ko kakausapin na parang…

“Siguro nagwo-worry kasi, well, sabihin natin na…”

Panandaliang natigilan si Angel sa pagsagot. Halatang pinag-iisipan nitong mabuti ang bibitawang pahayag tungkol sa pangyayari.

Pero pagpapatuloy niya, “Ayoko talaga sanang magsalita kasi labas talaga ako sa problema, at ayoko namang sabihing nakikisawsaw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero tingin ko kasi, natanggalan ng pagkatao iyong dalawa.

“Kasi kilala ko iyong dalawa, especially si Phil, na parang iyon talaga iyong buhay niya, e, di ba?

“E, pero noong si Phil naman, pag kausap ko naman, parang relaxed naman at nirerespeto niya iyong kung ano man ang naging desisyon, di ba?

“Hindi naman niya ipipilit iyong sarili niya pag tingin naman niya na hindi na siya kailangan.

“Pero, nagkataon lang naipit din siya kasi may kontrata din siya sa iba, at meron siyang kapatid na binubuhay.

"So, hindi niya alam, parang ano'ng gagawin niya, di ba?”

Pero ano klaseng suporta ang ibinibigay ni Angel kay Phil ngayong may pinagdadaanan itong problema sa career?

“Hindi ko pa siya nakakausap, e. Hindi ko pa siya nakakausap talaga na masinsinan, kasi kahapon lang din nangyari iyon.

“Ano lang, parang sinasabi ko lang na parang, ‘I think better kung kausapin mo muna teammates mo or si James or kung ano man, si Coach [Michael Weiss].’

“Now, si Coach, kung ano man talaga iyong nangyari, [ipaliwanag sana] bakit nangyari iyon, parang gano’n.

“Kasi parang sinabihan yata siya ng coach na huwag nang maglaro for Azkals that day.

“Tapos, biglang the next day, wala na siya sa team, parang gano’n.

“So, ako, parang… parang sana maayos lang kung ano man iyon.

“Pero kung ano man ang desisyon, nirerespeto naman namin iyon.”

DARNA AGAIN? Samantala, dahil na rin nga sa pagpayat ni Angel ay hindi naiwasang matanong ang aktres tungkol sa napapabalitang muli niyang pagganap bilang Darna.

Usap-usapan na sa mga social networking sites na isa raw si Angel sa mga posibleng gumanap sa Pinay superheroine role.

Minsan na ring ginampanan ni Angel ang role noong nasa GMA-7 pa siya.

Ngayon ay nakuha na ng ABS-CBN ang rights upang ipalabas ang Darna at tiyempo namang Kapamilya star na rin si Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong tuloy ng media kay Angel: “Ikaw na daw si Darna?”

“Ako si Darna talaga!” mabilis namang sagot ng aktres.

“Pero sinurrender ko na iyong bato noon, pero hindi ko alam kung ibabalik ba sa akin o ano.

“Pero… uhm, hindi ko alam. Hindi pa ako makapagsalita doon.

“Siyempre, management muna ang magsasalita about it and nothing’s final pa naman,” dugtong niya.

Tila nagdadalawang-isip naman na sumagot si Angel nang tanungin kung handa ba siyang tanggapin ang role kung sakali.

“Hindi ko alam, e,” sabi niya.

Pero tila excited din naman siya na muling sumabak sa maaaksiyong eksena, habang suot ang iconic red two-piece suit ni Darna.

“Ako lang, siyempre, gusto ko lang siyempre alagaan iyong sarili ko.

“Kung mabibigay ba sa akin ng Diyos ulit iyong oportunidad o hindi… Pero ako, ready ako,” nakangiting pahayag ni Angel.

May nagkomento naman na mas “voluptuous” tingnan ang aktres ngayon at mas babagay sa kanyang magsuot ng two-piece sa TV.

“Gano’n ba iyon?” natatawang reaksiyon ni Angel.

“Uhm, tingnan natin kung parehong Darna pa ba iyong [gusto ng tao].

“Actually, parang hindi rin fair kasi kung ang aga kong nagsasalita, kasi wala pa naman final or ‘di pa naman nape-present talaga iyong story.

“And, uhm, ewan ko kasi okay naman kasi iyong iniwan ko bilang Darna no’n, e, so lahat pinag-iisipan muna namin.”

Nape-pressure ba si Angel lalo’t patuloy siyang ipinaglalaban ng mga fans na siya ang karapt-dapat na maging Darna ng ABS-CBN?

“Actually, ngayon lang ako natanong about Darna. So, parang ngayon lang nagsi-sink in kasi parang hindi pa hindi pa gano’n kaseryoso.

“Parang nabalitaan ko, ganyan, pero ngayon lang parang, ‘Oo nga ano, parang kumakalat na pala talaga siya.’

“So, even sa Twitter and sa Facebook, natutuwa rin ako dahil nakikita ko iyong suporta pa rin ng mga Darna fans sa ‘kin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyong mga tao na wini-wish na sana ako pa rin si Darna.

“Well, tingnan po natin. Sabi nga nila, kung sino ang mapalad, sa kanya ibibigay ang bato.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN