Richard Gomez and Dawn Zulueta shoot kissing scenes and bed scene for their teleserye



HALIKAN NINA GOMA AT DAWN, PINAKILIG ANG SAMBAYANAN. Back-to-back-to-back surprises ang inihandog kamakailan ng top-rating teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan sa loyal viewers nito dahil sa magkakasunod na kissing scenes sa pagitan ng love team nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.


Mula sa kasal hanggang sa kanilang honeymoon, pinakilig ng mga karakter nina Richard at Dawn na sina Marco at Emily sa makailang beses nilang halik sa isa't isa.


Ayon sa corporate communications department ng ABS-CBN, patunay nito ang datos ng Kantar Media noong Huwebes (Setyembre 27) kung kailan humataw ng 36.5% national TV rating ang nasabing episode o halos 22 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA-7 na Luna Blanca na nakakuha lamang ng 15%.


Dahil sa mga eksena ng kasalan, halikan at bed scene nina Marco at Emily, bumuhos ang emosyon ng TV viewers sa social networking site na Twitter at naging nationwide trending topic ang hashtag na #DawnAndRichardWeddingThePhenomenalKiss. Samantala, patuloy pa rin ang pag-init ng mga eksena sa Walang Hanggan ngayong naikasal na sina Marco at Emily.


Ano kaya ang mga panibagong pagsubok na haharapin nina Marco at Emily bilang mag-asawa? Tuluyan na nga ba silang magiging masaya ngayong napabalita nang patay na si Miguel (Nonie Buencamino)? Paano nga ba aayusin nina Marco at Emily ang sigalot sa pagitan ng kanilang mga anak na sina Daniel (Coco Martin) at Nathan (Paulo Avelino)?


Huwag palampasin ang huling apat na linggo ng Primetime Bida teleserye na Walang Hanggan gabi-gabi, pagkatapos ng Princess and I sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN