Bea Binene and Jake Vargas to star in GMA's first morning drama series, Cielo de Angelina

Ang tambalan nina Bea Binene (left) at Jake Vargas (right) ang napili ng GMA Films na magbida sa kanilang “first TV production and morning drama series” na Cielo de Angelina.



Muling mapapanood sa telebisyon ang tambalan nina Bea Binene at Jake Vargas.

Sila kasi ang magbibida sa first TV production at morning drama series ng GMA Films na Cielo de Angelina.

Inamin ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press noong Oktubre 17, sa presscon ng Cielo de Angelina sa 17th floor ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City, na nakakaramdam sila ng pressure sa paggawa ng proyektong ito.

Ito kasi ang pinakaunang morning drama series ng kanilang home network.

Ninenerbiyos rin sila dahil “malakas” ang makakatapat nilang morning show ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Pero sabi ni Jake, ang pagpili sa tambalan nila ni Bea na tumapat sa nasabing show ay pagpapakita lamang ng tiwala sa kanila ng GMA.

Kaya naman pipilitin nila na “magawa namin ‘yong dapat naming gawin.

“And sana suportahan kami ng mga taong tumatangkilik sa amin ni Bea, ‘yong mga fans na nagmamahal sa amin, sana suportahan nila kami.”

HOW IS THIS DIFFERENT? Samantala, sinabi naman ni Bea na iba ang proyektong ito mula sa ibang shows na pinagsamahan nila ni Jake.

“Kasi ito po talaga heavy drama,” paliwanag ng batang aktres.

“Dati po nakagawa na kami ng heavy drama, pero dito po kasi iba ‘yong atake niya.

“Tapos dati po lagi kaming nagsisimula na para kaming aso’t pusa, dito po mag-kuya kami magsa-start.”

Ilan sa mga programang pinagsamahan nila ay ang Captain Barbel (2011), Pahiram ng Isang Ina (2012) at Alice Bungisngis and Her Wonder Walis (2012).

THE STORY. Ang kuwento ng Cielo de Angelina ay iikot kay Angelina (Bea), na iniwan sa El Cielo Shelter for Destitute Women and Abandoned Children noong sanggol pa lamang siya.

Siya’y makikita ni Sister Margaret (Gloria Romero), at papalakihin kasama ang iba pang mga inabandunang bata.

Magiging matalik na kaibigan ni Angelina si Julie (Ashleigh Nordstorm), at magiging kuya-kuyahan si Marco (Jake).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit matapos ampunin ng ibang pamilya si Julie ay magiging malungkutin si Angelina at mapapalapit ang loob kay Marco. Tutulungan ni Marco si Angelina na alamin ang tunay na dahilan kung bakit siya inabanduna ng kanyang mga magulang.

Ngunit habang naghahanap ng kasagutan mula sa opisina ni Sister Margaret ay magkakaroon ng sunog sa isang bahagi ng ampunan, na magiging sanhi nang pagpanaw ng mother superior.

Matapos ang sakuna ay aampunin si Angelina, at mabubuhay na minamaltrato ng step-mother niyang si Czarina (Isabel Granada) at step-sister na si Rhoda (Yassi Pressman).

Muling magkukrus ang landas nila ni Marco, ngunit kaakibat nito ang ilang mga katanungan: masasabi na ba ni Marco ang tunay niyang nararamdaman para kay Angelina? Malaman na kaya nila kun sino ang tunay na mga magulang ni Angelina, at kung bakit siya inabanduna ng mga ito?

Ang iba pang makakasama nina Bea at Jake sa drama series na ito’y sina Roxanne Barcelo, Victor Basa, Jessa Zaragoza, Hiro Magalona at Mico Palanca.

Mapapanood ang “family drama series” ng GMA-7 na Cielo de Angelina simula Oktubre 22, Lunes hanggang Biyernes, bago mag- Eat Bulaga!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN