Jodi Sta. Maria welcomes friendly competition from rival networks


Friendly competition lamang ang turing ng ABS-CBN actress na si Jodi Sta. Maria sa mga bagong programang itatapat ng kabilang network sa kanilang daytime teleserye na Be Careful With My Heart.

"Wala namang problema. Friendly competition lang naman po ito," pahayag ng aktres na mas kilala na ngayon ng sambayanan bilang si Maya, ang trusted yaya ng kanyang Sir Chief, na ginagampanan naman ni Richard Yap. "Ang sa akin po, kung 'yung show nila ay makakapag-promote din po ng good values, optimism, and will also send out good vibes to the TV viewers, bakit naman hindi? Tsaka, mas maraming trabaho for everybody, mas masaya!"

Ayon kay Jodi, naniniwala siyang patuloy silang susuportahan ng TV viewers dahil na rin mismo sa hatid nilang kakaibang gaan at gana sa umaga. "I must say na kakapit pa rin sila sa amin because of the lightness of the show," ani Jodi sa isang release na pinadala ng ABS-CBN. "Everytime they watch Be Careful With My Heart, makakalimutan nila 'yung problems nila. Nakaka-relate din kasi sila sa characters namin. And every single day, they learn something new from Maya."

Bukod sa daily dose of good vibes at kilig, mas kaabang-abang raw ang mga susunod na episode ng Be Careful With My Heart dahil sa closeness nina Maya at Sir Chief.

Samantala, dinagsa ng 6,000 fans ang "Kapit-Bisig Day" na ginanap sa Festival Supermall, Alabang. Dinaluhan ito Be Careful With My Heart cast members kabilang sina Jodi, Richard, Tart Carlos, Vivieka Vivieka, Mutya Orquia, Jerome Ponce, Janella Salvador, at JM IbaƱez. Ang official soundtrack ng Be Careful With My Heart na pino-promote sa mga 'Kapit-Bisig Day' ay nag-No.1 kamakailan sa overall at OPM category ng latest Astroplus/Astrovision nationwide sales chart.

Mapapanood ang kuwento nina Sir Chief at Maya sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45am, bago mag-It's Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.


Samantala, mapapanood naman ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind tuwing Sabado, 10am, bago mag-It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN