Anne Curtis and Karylle did aerial acrobatics for It's Showtime



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Kumain ng tamilok at kuliglig, nag-fire dancing, lumambitin sa isang nakalawit na hoola hoop, at nag-synchronized swimming ang It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis at Karylle para sa taunang talent showdown ng hosts sa Kapamilya noontime show noong Lunes (October 22).

"Naging sirkero ang magkapareha para sa ikatlong anibersaryo ng programa na dinoble pa ang excitement dahil para sa taong ito, magkakapares o grupo ang magpapasiklaban para sa premyong P100,000 para sa kanilang napiling charity.

"Kahapon naman (October 23), nang-aliw ang magka-partner na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa isang mala-karaoke at makulay na sing and dance number tampok ang sikat na kantang Oppa Gangnam Style, at sina Cristine Reyes, Bugoy Carino, at ang Sexbomb Girls.

"Lalabanan ng dalawang tandem ang kapwa hosts na sina Vhong Navarro at Billy Crawford, Vice Ganda at Jhong Hilario, Kuya Kim Atienza at Ryan Bang, at ang team nina Coleen Garcia, Eric ‘Eruption’ Tai, at Baby Joy na magpe-perform din sa linggong ito. Anu-anong pasabog kaya ang kanilang ihahain sa madlang people?

"Muli namang nasilayan ng madlang people ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na nagbabalik-Kapamilya bilang isa sa mga hurado sa pasiklaban week kasama sina Jericho Rosales, Eula Valdez, at ang talent managers na sina Alfie Lorenzo at Cornelia Lee o Tita Angge.

"Mamarkahan din ng naturang talent showdown sa It’s Showtime ang pagsisimula ng bagong season na mas sisiksik pa sa mga bagong pakulo at sorpresa para sa solid Showtimers.

"Bago pa man ang pasikatan ng hosts ay itinanghal nang kampeon ang Gollayan family ng Santiago, Isabela noong Sabado (October 20) sa Bida Kapamilya grand finals laban sa walong pamilya dahil sa kanilang makapanindig-balahibog performance ng classic at modern pop songs. Wagi ng P1 milyon ang mag-anak matapos makakuha ng standing ovation sa mga hurado at madlang people para sa kanilang mala-concert na song and dance performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang tinutukan ang pasiklaban ng mga pamilyang Pilipino dahil pumalo ng national TV rating na 16.4% ang It’s Showtime laban sa kalabang Eat Bulaga ng GMA na nakakuha ng 15.5%, base sa datos ng Kantar Media.

"Huwag palampasin ang ‘pasikatan for a cause’ ng ‘unkabogable’ barkada ng It’s Showtime Lunes hanggang Sabado, 11:30 a.m. sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN