Be Careful With My Heart was able to beat two GMA-7 morning teleseryes, based on Kantar Media data




PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Kapwa tinaob ng no. 1 daytime teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa national TV ratings noong Lunes (Oktubre 22) ang pilot episodes ng dalawang bagong lunsad na pang-umagang drama series ng GMA-7.

"Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, wagi ang kilig-serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap taglay ang national TV rating na 23.1% kontra One True Love: A Second Chance na nakakuha lamang ng 8% at Cielo de Angelina na nag-rate lang ng 10.2%.

"Katulad ng kanyang leading lady, naniniwala rin si Richard, na mas kilala na ngayon sa tawag na ‘Sir Chief,’ na hindi problema ang pagkakaroon nila ng katapat na programa. “I think competition is always healthy. Okay ‘yan para magsusumikap kami na laging gawin ang best namin,” pahayag ng actor. “Pero sa totoo lang, hindi talaga kami nakikipagkompetensya kahit kanino. Gusto lang naming magpasaya ng mga manonood.”

"Patuloy na sundan ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento nina Sir Chief at Maya sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45am, bago mag-It's Showtime, sa Primetanghali ng ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind tuwing Sabado, 10am, bago mag-It's Showtime."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN