Pinay aspiring singer Zendee Rose Tenerefe performs at Ellen DeGeneres's show

Zendee Rose Tenerefe is the third Filipino singer to be invited by Ellen DeGeneres on her show. Zendee performed Jennifer Holiday's "And I Am Telling You I'm Not Going."


Natuloy na ang guest appearance ni Zendee Rose Tenerefe sa show ni Ellen DeGeneres at ipinalabas ito noong Biyernes, October 26.

Mula sa General Santos City ang 21-year-old aspiring singer, na na-discover dahil may nag-post sa YouTube ng kanyang video habang kumakanta siya sa harap ng appliance store ng isang sikat na mall.

Naging viral ang video ni Zendee at ito ang naging daan para magkaroon siya ng mga TV guesting sa mga programa ng GMA-7, kabilang na ang Party Pilipinas.

Regular na napapanood si Zendee sa Manny Many Prizes dahil ang Filipino boxing champ at House Representative na si Manny Pacquiao ang kanyang manager.

Kabilang si Zendee sa mga scholar ni Manny sa General Santos City.

Hindi magkakilala nang personal sina Zendee at Manny, pero nagpasya ang Pambansang Kamao na i-manage ang singing career ni Zendee dahil nalaman niyang ito ay kababayan at kabilang pa sa kanyang mga scholars.

Si Zendee ang pangatlong Filipino na inimbitahan na mag-guest at mag-perform sa show ni Ellen.

Nauna si Charice Pempengco noong 2007. Sinundan ito ni Rap Salazar noong November 2009.

Nag-perform na rin sa Ellen ang Pinoy singer na si Arnel Pineda ngunit kasama nito ang American rock band na Journey.

"A star will be born on Ellen's stage" ang press release ng programa ni Ellen tungkol kay Zendee, na tinawag nila na "amazing singer."

"You'll never forget where you were the first time you heard Zendee Rose Tenerefe perform! She was a young woman who liked to sing at a karaoke display in a mall, but after a video of her set the internet on fire, Ellen knew she needed to bring her here! Don't miss this jaw-dropping, once-in-a-lifetime performance from a young singer who is about to be the next big thing!"

Gaya ng guest appearance ni Charice sa Ellen, ang "And I Am Telling You I'm Not Going" mula sa musical play na Dreamgirls ang inawit ni Zendee Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyan siya ng standing ovation ng studio audience at tumanggap ng iPad mula sa popular American TV host.

Sa interview sa kanya ni Ellen, ipinagtapat ng Filipina singer na palagi siyang kumakanta sa mga mall para makuha niya ang atensyon ng mga tao.

Pangarap ni Zendee na maging sikat na singer para maipagpatayo niya ng bahay ang kanyang mga magulang. Gusto rin niya na mapag-aral ang kanyang mga pinsan.

Ang mga magulang ni Zendee ang kasama nito sa guesting niya sa Ellen sa kanyang first-time trip sa U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN