Robin Padilla picks PNoy as dream guest in their sitcom; Angel Locsin wants to see Coco Martin do comedy


Ngayong buwan ng November nagdiriwang ng ika-unang taong anibersaryo ang sitcom na Toda Max ng ABS-CBN na pinangungunahan nina Robin Padilla, Vhong Navarro at Angel Locsin. Gayundin si Pokwang na madalas lang na absent dahil sa kasalukuyan niyang teleserye.


Ang kanilang first anniversary ay pinamagatang “Tribute to ABS-CBN Comedy Shows,” bilang pagbibigay-pugay na rin sa ilang hindi malilimutang comedy shows ng Kapamilya network.


Base sa nabalitaan namin, magiging guest sa mga susunod na episodes sina Ai-Ai de las Alas, Richard Gomez at iba pa.


Ngayong Sabado (November 17), si Ai-Ai ang nakatoka na magpatawa sa Toda Max para sa pagpapatuloy ng month-long anniversary celebration ng sitcom.

Ito ang pangalawang episode sa ilalim ng kanilang temang “Tribute to ABS-CBN Comedy Shows” kung saan imbitado ang ilang beteranong mga komedyante na bibisita sa Beverly Gil's. Ngayong Sabado, gaganap si Ai-Ai bilang ang unang asawa ni Tol (Robin Padilla).

Sa ginanap na press conference ng Toda Max para sa kanilang ika-unang taong anibersaryo, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tatlong lead ng programa na sina Robin, Angel at Vhong kung sila ang masusunod, sino ang para sa kanila, “toda-max” na gusto nilang makita at makasamang mag-guest ngayong papasok naman na sa ikalawang taon ang kanilang sitcom.


Bawat isa ay may personal na “wish” o gustong makasama at maging special guest nila.

Sa kanilang tatlo, si Robin agad ang unang sumagot ng tanong at mabilis nitong sinabi ang Presidente ng Pilipinas na si President Noynoy Aquino na gusto raw nitong mag-guest sa comedy show.


Aniya, “Ako, si PNoy. President Noynoy Aquino. Gusto kong maging guest siya.


“Ang Toda Max kasi, tungkol ito sa buhay ng mga Filipino. Mas maraming madidirekta namin sa kanyang mga problema ng mga Filipino kung magiging guest namin siya.


“At hindi siguro imposible dahil nang manalo si Barrack Obama, oo nga pala, Barrack Obama ko! Barrack Obama po for President. Bawal ang Republican dito ha, nag-guest din siya sa shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“At palagay ko, malaking medium ang Toda Max kasi, maraming nanonood ng Toda Max na nagsasabing, ah, ganyan ang buhay namin. Naiintindihan namin ang problema.


“Sana, isang araw, mapagbigyan din kami ni PNoy.”


Kasama ni Robin ang kapatid ni PNoy na si Kris Aquino sa ABS-CBN teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw. Hindi ba niya na-mention dito ang bagay na ito?


“Ah, huwag na nating banggitin kay Kris 'yan. Sa inyo na lang, sulat na lang. Baka kay Kris pa lang, hindi na pumayag yun. Pero sa inyo, isang magandang exposure yun. Na malaman niya, firsthand information.”

Si Coco Martin naman ang pinili ni Angel sa simpleng dahilan na, gusto niya raw.


Ayon kay Angel, “Si Coco napakagaling na artista. Napakagaling niya sa drama. So, parang very interesting at exciting kung makita natin siyang gumagawa ng comedy.


“Gusto kong makita kung paano niya gagawin ang character niya. So, iniisip ko pa kung si Coco Martin kung paano sa sitcom.”

Kay Vhong naman, ang naalala nito ay ang grupo nilang Streetboys.


Sabi nga ni Vhong, “Ako po, medyo malabo pero, napakasimple lang. Streetboys po, reunion.


“Alam ko na iba-iba ang lugar kung nasaan sila ngayon. Pero para mabuo namin, talagang napaka-imposible pa. Pero I think, maaari, kaya.


“Ang Toda Max, kaya nga, toda max, kayang gawin ang lahat.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN