GMA-7 buys rights to remake Mexican telenovela "Rosalinda"


Contrary to earlier reports, the Philippine version of Rosalinda, the most successful Mexican telenovela aired in the Philippines starring Thalia, will be seen on GMA-7. The project was first attached to Angel Locsin (inset, bottom) but now that she is no longer a Kapuso star, the role of Rosalinda might fall into the lap of Marian Rivera (inset, top), who now plays Marimar, a character also popularized by Thalia.



Bagama't walang tuwirang nagbalita, may kumalat na usap-usapan last week na kung si Marian Rivera raw ang Marimar ng GMA-7, si Angel Locsin naman ang magiging Rosalinda ng ABS-CBN.

Ang Rosalinda ang huling soap ng Mexican singer-actress na si Thalia na naipalabas sa Philippine television, sa ABS-CBN, noong 1999-2000. Ito rin ang may hawak ng record for the highest-rating primetime show, 69.8 percent, sa Pilipinas ayon sa AGB Nielsen Philippines.

Bagama't tunay na bagay nga ang papel na Rosalinda para kay Angel na nasa ABS-CBN na ngayon, hindi niya naman ito puwedeng gampanan dahil nasa GMA-7 din pala ang rights nito na nabili sa Televisa kasabay ng Marimar.

Hindi package ang pagkakabili ng GMA-7 sa dalawang Thalia soaps. Separate purchases with separate contracts ito, ayon sa mismong pumirma ng deal.

Wala pang pangalan na nakadikit sa Rosalinda as of now dahil next year pa ito sisimulan ng GMA-7.

Nakahilera na ang mga susunod na primetime shows ng GMA-7 ngayong taon, starting with Zaido na papalit sa Impostora; ang Kamandag ni Richard Gutierrez na papalit sa Mga Mata Ni Anghelita; at ang Joaquin Bordado na papalit sa Marimar, na next year na magtatapos dahil part of the agreement daw na guaranteed twenty-six weeks ang itatagal ng launching soap ni Marian.

Ang leading man ni Thalia sa Rosalinda ay ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo, na gumanap bilang Fernando Jose. Matatandaang bumisita rin sa Pilipinas si Fernando sa kasagsagan ng kasikatan ng kanilang telenovela ni Thalia.

Bukod sa Marimar (1994) at Rosalinda (1999), ang iba pang Mexican telenovelas ni Thalia na ipinalabas sa Pilipinas ay ang Maria Mercedes (1992) at Maria del Barrio (1995).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN