Mark Herras and Jennylyn Mercado to remake Sharon-Gabby movie "My Only Love"


The first StarStruck winners, Mark Herras and Jennylyn Mercado, will star in the remake of the 1982 Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie My Only Love.



Kumpleto ang cast ng Bahay Kubo sa pictorial para sa movie noong September 16 sa pictorial nila sa Regal Films, Valencia office. Ang naturang pelikula ang isa sa tatlong entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival—the others are Shake Rattle & Roll 9 and Desperadas.

Nandoon si Maricel Soriano, ang mga "anak" niyang sina Mark Herras, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Jiro Manio, Ysabella de Leon, at Sam Bumatay; ang kaniyang "mister" na si Eric Quizon; ang kanyang "ina" na si Ms. Gloria Romero; at ang kanyang mga kaibigang sina Bearwin Meily at Eugene Domingo.

Habang ongoing ang pictorial ay nagpa-interview ang cast members ng Bahay Kubo sa mga inimbitahang press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal). Isa sa pinakahuling na-interview namin ay si Mark Herras.

Naikuwento ng young actor na one taping day na lang ang nalalabi sa kanyang first solo show na Fantastic Man. Pero dahil advanced taping sila, malamang na matapos pa ang September bago ito mamaalam sa ere. Natapos na rin ang kanyang six-week guest appearance sa Boys Nxt Door at malapit na ring magtapos ang primetime soap niyang Mga Mata Ni Anghelita.

Ang matitira na lang kay Mark ay ang SOP at Bubble Gang. Pero nasabihan na rin siya na ang next project niya ay ang reunion soap opera nila ng kanyang original StarStruck partner and ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Ito ang remake ng isa pang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion Viva Films movie na My Only Love, na ipinalabas noong 1982.

Ang My Only Love sana talaga ang follow-up soap opera nina Yasmien Kurdi and JC de Vera pagkatapos ng Pati Ba Pintig Ng Puso, pero isinalang agad ang dalawa sa Pasan Ko Ang Daigdig na umeere na ngayon sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Ang My Only Love din ang alam ni Yasmien na magiging follow-up soap nila at hindi ang Pasan Ko Ang Daigdig. Ang balita pa nga niya noon, may U.S. sequences ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ang Pasan Ko ang Daigdig na nga ang naging follow-up soap nina Yasmien at JC, ibinigay na ng GMA-7 ang My Only Love kina Jennylyn at Mark. Si Direk Louie Ignacio pa rin ang magdidirek nito, na pang-apat na Sine Novela ng Kapuso network ngunit balitang wala na itong U.S. shoot.

Hindi pa alam ni Mark kung kailan sila magsisimula ng taping ng My Only Love dahil kasasalang pa lang ng Pasan Ko Ang Daigdig. As of this week, nasa week eight pa lang ang Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte, na naka-schedule to run for 16 weeks. Pero malamang this year pa rin maipalabas ang balik-tambalan nina Jennylyn at Mark sa isang soap opera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN