Jodi Sta. Maria and Richard Yap's daytime teleserye to be extended until mid-2013


Malaki ang pasasalamat nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa pagbabagong idinulot sa buhay at career nila ng kanilang daytime TV program Be Careful With My Heart. Ayon sa release mula sa ABS-CBN corporate communications department, inanunsyo kamakailan na extended hanggang gitnang bahagi ng 2013 ang daytime teleserye na ito.

Ayon kina Jodi at Richard, itinuturing nila ang kanilang kilig-serye bilang pinakamalaking regalong natanggap nila ngayong taon. “Sa totoo lang, malaking regalo na rin ang pagkakataong naibigay sa amin na maging source of inspiration ng maraming tao. Sa palagay ko, hindi lang ang audience ang nai-inspire ng mga character namin dahil kami mismo, may natututunan sa kanila,” sabi ni Jodi.

“Ang success ng Be Careful With My Heart ay talagang blessing. We are blessed to have everything feel-good in the show,” pahayag ni Richard. “At malaki talaga ang pasasalamat namin sa suporta ng fans kung kaya’t gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para pasayahin kayo araw-araw.”

Samantala, nang tanungin kung anong mga balak nila para sa Pasko, kapwa plano nila Jodi at Richard na makasama ang kanilang mga pamilya sa espesyal na araw na iyon.

“Christmas will be spent with my loved ones. Nagpa-plano akong magluto para sa noche buena para sa family ko,” ani Jodi. “Magbabakasyon rin kami sa ibang bansa. ‘Yun na ang Christmas/New Year treat ko para sa kanila.”

“Plano kong makasama nang matagal ang wife ko at mga anak ngayong Holiday season para naman makabawi ako sa mga panahon na hindi ko sila nakasama dahil sa taping schedule namin,” sabi ni Richard.

Mapapanood sina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard) sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 11:15am, bago mag-It's Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind tuwing Sabado, 10:30am, bago mag-It's Showtime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN