Joseph Marco feels nervous about working with Judy Ann Santos

"Magagaling talaga silang actresses and actors, kaya naman kapag magkakaeksena kami talagang nafi-feel ko sila. Sobrang nakakatulong din sa akin," says Joseph Marco about his co-actors in Against All Odds.


Aminado ang binatang aktor na si Joseph Marco na kinabahan siya nang malamang makakasama niya sa trabaho si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Gaganap si Joseph bilang nakababatang kapatid ni Judy Ann sa upcoming teleserye ng ABS- CBN na Against All Odds.

"Actually, at first kinakabahan ako," sabi ni Joseph nang sandali siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa styling competition ng O+ cellular phones at Bench na ginanap kagabi, December 2, sa Glorietta, Makati City.

Habang tumatagal, nawawala naman daw ang kaba at mas nagiging magaan na ang trabaho kasama si Judy Ann.

Dagdag pa ni Joseph tungkol sa kanyang mga kasamahan sa teleserye, "Noong naka-work ko na, parang sobrang ang gaan nilang katrabaho.

"They're very welcoming, parang family lang talaga."

Sa Against All Odds, makakasama rin ni Joseph sina Jericho Rosales, KC Concepcion, at Sam Milby.

Dahil halos baguhan pa rin maituturing si Joseph sa pag-arte kumpara sa kanyang mga makakasama, itinuturing niyang learning experience ang pagiging bahagi ng Against All Odds.

Para kay Joseph, "Magagaling talaga silang actresses and actors, kaya naman kapag magkakaeksena kami talagang nafi-feel ko sila. Sobrang nakakatulong din sa akin."

WORKING WITH EMPRESS. Samantala, muling magsasama sa isang proyekto ang young Kapamilya stars na sina Joseph Marco at Empress Schuck.

Magiging magkatambal muli ang dalawa sa susunod na episode ng Maalaala Mo Kaya sa darating na Sabado, December 8.

Unang nagkasama ang dalawa noon sa fantaserye na E-Boy bilang magkasintahan,subalit sandali lamang ito.

Pero sa pagkakataong ito, ani Joseph, "This time, 'yong love mapi-feel mo talaga."

Patuloy na paglalarawan pa niya sa kapwa Star Magic talent, "Sobrang enjoy ko lang na ka-work si Empress. She's very nice and magaan siya katrabaho."

Para sa binatang aktor, kaabang-abang ang episode ng MMK nila ni Empress.

Ito ay isang love story na maaaring maka-relate ang mga manonood, ayon kay Joseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Kung gusto ninyong ma-in love, dapat abangan n'yo itong love story na ito. Kasi, grabe lang ang sacrifices na binigay ng isa't isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN