Meet the MasterChef Pinoy Edition Top 14 finalists

Napili na ang top 14 ng MasterChef Pinoy Edition. Ngayon ay magsasama sama sila sa iisang bahay. Sino kaya ang magkakasundo at magkakaaway?

(L-R clockwise) Mac Serrano, Tolits Dulva, Reggie Apolinario, Melissa Guttierez, Ronnel Torres, JR Royo, Betty Bais, Gian Espadera, Ivory Yat, Carla Marcaida, Cons Osorio, Lilibeth Nicolas at Myra Santos.


Matapos ang masusing pagpili nina Chef Fern Aracama, Rolando Laudico, and JP Anglo ay nabuo na ang top 14 finalists ng MasterChef Pinoy Edition.

Ang top 14 chefs na napili ay titira sa isang bahay upang di lamang subukin ang kanilang galing sa pagluto kundi ang kanilang galing rin sa pakikisama sa kapwa nila cooks.

Pasok sa top 14 ang Loyal Kusinera ng Cebu na si Betty Bais. Sa edad na 18 ay namasukan na itong si Betty bilang kasambahay. At sa kasalukuyan ay 15 taon na niyang ipinagluluto ang kanyang among Chinese sa Cebu. Todo suporta naman ang mga ito sa panibagong yugto ng buhay ni Betty.

Ang Negosyanteng Kusinera ng Bulacan na si Carla Marcaida ay maagang nahubog ang galing sa pagluluto. Maaga rin itong nag-asawa kaya naman mas napagbuti niya ang pagluluto. Ginamit niya ang galing sa pagpasok sa negosyo ng pagtitinda ng kanyang specialty na crispy pata at lechon manok.

Kasama rin sa listahan ang Kusina Siren ng San Juan na si Cons Osorio. Matatandaan na si Cons ay sumali sa Pinoy Dream Academy, ngunit dahil sa isang kundisyon na naapektuhan ang kanyang lalamunan ay napilitan siyang bitiwan ang hangaring maging sikat na mangaawit. Kaya naman nahanap niya ang panibagong ligaya, ang pagluluto.

Si Gian Espadera naman ang Biba Kusinera ng Davao. Siya ang pinaka bata sa mga finalists ng Philippine edition ng MasterChef. Lumaki si Gian na hindi tanggap ng kanyang ama ang kanyang pagka bading. Kaya gusto niyang patunayan na bading man siya ay kaya niya maging angat sa iba.

Ang Kusina Fashionista na si Ivory Yat naman ay naiihahambing sa pagka-creative sa kusina ni Gian. Ang nurse na si Ivory ay nais rin mapantayan ang mataas na expectation sa kanya ng magulang.

Rakista turned cook naman itong Rakista Kusinerong si JR Royol. First love niya ang musika ngunit natuklasan niya ang galing sa pagluluto at susubukan maipanalo ang Pinoy MasterChef title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Nanay Kasambahay ng Isabela na si Lilibeth Nicolas naman ay nangangarap na maihon ang pamilya sa hirap at maitaguyod ang mga anak bilang magisa niyang binubuhay ang mga ito.

Ang kitchen Mac-kulit ng Tarlac na si Mac Serrano ay hindi naman mapalad sa kanyang love life pero maging mapalad kaya siya sa pagsali sa MasterChef? Hiwalay man sa kanyang asawa ay ang tanging hangarin niya ay ang maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Ang Loving Nanay na si MaureenAngala ay sumali sa Master Chef upang matugunan ang pang therapy ng dalawang anak na may G6PD, isang sakit na nakakakamatay kung saan puwedeng magka-hemorrhage ang isang tao kapag nakakain ng bawal sa kanya.

Cooking Momma naman ang tawag sa 51-year old na si Melissa Gutierrez. Bilang nanay magiging mapagbigay kaya ito o itutuloy ang laban para sa Pinoy MasterChef title?

Ang chef accountant naman ng Muntinlupa na si Myra Santos ay nagsimula sa paluto luto para sa kanyang kapatid at magulang. Hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Myra para sa pagluluto?

Romantic Kusinero naman itong si Reggie Apolinario ng Laguna. Madalas man siyang ma-basted ay hindi ito sumusuko sa paghahanap ng pag-ibig. Kung magkakaroon man siya ng girlfriend, nais niyang hindi ito marunong magluto upang siya mismo ang bumusog dito ng pagkain at pagmamahal.

Diskarte sa buhay naman ang naging sandata ng Boy Labong ng Pampanga na si Ronnel Torres. Gumagamit siya ng sanga at kahoy na pang siga para makapagluto at mga tanim nilang gulay sa bakuran ang pangunahing sangkap. Si Ronnel ay mayroong sari-sari store na pinagkukunan niya ng pangtustos sa pang araw-araw.

Mapapanood ang MasterChef Pinoy Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 am, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN