Angelu de Leon and Bobby Andrews reunite via GMA-7’s new youth-oriented show, Teen Gen

Angelu de Leon (right) and Bobby Andrews (left) are both thankful that GMA-7 decided to include them in a new show that can be considered a spin-off of their popular TV series, T.G.I.S. This 2012, they will star in the youth-oriented show Teen Gen.


Masaya si Angelu de Leon sa muling pagtatambal nila ni Bobby Andrews.

Nagsimula ang tambalan nina Angelu at Bobby sa youth-oriented show ng GMA-7 noong 1992, ang T.G.I.S.

Ito’y nasundan pa ng ibang mga TV series tulad na lamang ng Growing Up (1997), na sequel ng T.G.I.S. at Ikaw Na Sana (1997).

“Sobrang excited!” bulalas ni Angelu nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kung anong pakiramdam niya sa balik-tambalan nilang ito ni Bobby.

“Excited, very excited kasi ever since naman matapos ang T.G.I.S., the fans has been asking for reunions, ang magbalik si Peachy at si Joaquin, at ang barkada ng T.G.I.S.

“So before, parang lagi nga nilang sinasabi na wishful thinking na lang. Wishful thinking na magkaroon ng reunion. Noong nagkaroon ng konting usok na sinasabi, na baka magkaroon ng T.G.I.S., everybody got so excited, even the fans.

“Sabi nga namin more than anything, ‘yong paggawa ng Teen Gen is the answered prayer for most of the T.G.I.S. fans.

“Para itong giving back na rin namin for years of thankfulness, kasi for seventeen years inabangan talaga nilang magbalik ang T.G.I.S.

FLASHBACK. Naikuwento rin sa amin ni Angelu na noong unang taping day nila ay tila nagbalik lahat ng alaala nila noong ginagawa nila ang T.G.I.S.

“Noong nagkita ulit kami sa set nina Direk Mark, una gusto naming isipin na mga bata pa kami talaga!” natatawang kuwento ng aktres nang makausap namin siya sa presscon ng Teen Gen sa 17th floor ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

“Pero sobrang nakakakilabot, kasi parang ang daming nag-invite sa inyo, ang daming… like even kami, even for myself, ginusto ko talagang balikan si Peachy, dahil hindi ako umaarte kapag si Peachy ang ginagawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OLD CHARACTER, NEW STORY. Ang mga karakter nina Peachy at Joaquin pa rin ang gagampanan nina Angelu at Bobby sa Teen Gen.

Pero kung sa T.G.I.S. ay ang love story nila ang sinundan ng mga manonood, dito raw ay susubaybayan ng mga tao ang kuwento nila bilang magulang sa kani-kanilang mga anak.

Hindi kasi nagkatuluyan ang mga karakter nilang si Peachy at Joaquin, bagkus ay nagkahiwalay sila at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya.

Ngunit sa muling pagkukrus ng kanilang mga landas ay pareho na silang single parents— si Peachy ay namatayan ng asawa, habang si Joaquin naman ay hiwalay sa kanyang asawa.

Hindi lamang ang mga landas nila ang magtatagpo, kung hindi maging ang kanilang mga anak, na kalaunan ay mahuhulog ang loob sa isa’t isa.

Kaya naman sabi ni Angelu, kailangan abangan kung paano maaapektuhan ng kanilang nakaraan ang buhay nila ngayon at ng kanilang mga anak.

WHY NOT T.G.I.S.? Samantala, tinanong naman ng ilan kung bakit pinili nilang gumawa ng show na hango sa T.G.I.S. kaysa i-remake o mag-reunion ang mga dating cast nito.

Ayon kay Direk Mark Reyes, na direktor din noon ng T.G.I.S., “You know, it’s the same show, yet it’s not.

“So I think that why I decided na it’s not looking back, but moving forward.

“So we still have T.G.I.S. because Peachy and Joaquin is there, but the new kids should have their own, you know, Sunday barkada which is Teen Gen.

“So there’s the history of T.G.I.S. over there in the show, but at the same time, bagong timpla siya.”

NO EMOTIONAL INVOLVEMENT? Pero bago pa man daw nila simulan ang show, mayroon ng bilin si Direk Mark sa mga bagong artista na ito pagdating sa kanilang mga loveteams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I told them that they should stick to work first. Mangyayari ‘yan na kayo ang magkakasama, magkaka-developan kayo.

“If you are not mature enough, if you think you’re not mature enough, don’t pursue it. Kasi magdudulot siya ng problema, magdudulot siya ng away within the set.

“Sana, sabi ko, at this point in time sana ‘yong mga ligawan sa script at sa mga characters na muna. ‘Wag muna nilang i-pursue ‘yong totoong nararamdaman nila sa isa’t isa.”

Ngunit pagkatapos sabihin ito ay tila nagparinig ang direktor sa kanyang cast, “Pero kahit anong sabihin ko, kapag puso na ang nagsalita, e, wala na tayong magagawa.

"Kayo na bahala mag-obserba kung sino sa mga ‘yan ang nagkakadevelopan na. Ayaw ko na magsalita! I’ve learned my lesson!” sabay tawa nang malakas.

Bukod kay Direk Mark, mayroon din daw payo si Angelu sa mga bagong batang artista ng Kapuso network.

Pabirong sinabi ng aktres, “Marami akong ma-a-advice sa kanila! Unang-una, ‘wag n'yo kong gayahin! Puwede ko ikuwento sa kanila ‘yong nangyari sa akin!”

Pagpapatuloy niya, “but I don’t give unsolicited advice, katulad nang sinabi ni Kuya Germs, number one na kailangan matutunan ng mga kabataan ngayon is ‘yong pagiging professional.

“They have to love their job and they have to take care of their job.

“Sabi ko nga, mahalin nila ‘yong character na binigay sa kanila dito sa Teen Gen, kasi kapag minahal nila ‘yong character na ‘yon, mamahalin din sila ng tao.

“Bilang nakikita nila na na-e-enjoy nila ‘yong mga characters nila.”

BOBBY ANDREW’S MESSAGE. Samantala, hindi naman nakadalo si Bobby Andrews sa presscon dahil mayroon itong inaayos sa Cebu.

Kaya naman nagpadala na lamang siya ng text message kay Direk Mark upang iparating ang kanyang mensahe para sa press.

Dito’y ipinarating niya ang kanyang kasiyahan dahil makalipas ang labing-pitong taon ay muling gumawa ng isang show, na hango mula sa T.G.I.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman ang hiling niya sa mga tagasubaybay ng kanilang show noon: “Thanks for the viewers of the first and second generation, I hope you could give the same support and love that you have given us all these years.

“This is Joaquin Torres III, signing on!”

Ang mga bagong mukha na makakasama nina Angelu at Bobby sa show na ito ay sina Enrico Estanislao, Seth Isay, Gab de Leon, Juancho Trivino, Jeric Gonzales, Arkin Magalona, Thea Tolentino, Gianna Revilla, Dianne Hernandez, at Sunyee Maluche.

Mapapanood ang Teen Gen simula sa Disyembre 16, Linggo, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN