"Couple or Trouble" premieres on GMA-7's Dramarama sa Hapon

by Ruel J. Mendoza
Sep 24, 2007
(From left) Oh Ji Ho, Han Ye Seul, and Kim Sung Min are the stars of Couple or Trouble, the new Koreanovela of GMA-7. It will premiere this afternoon, replacing Foxy Lady in the Kapuso Network's Dramarama sa Hapon.

Darating na ang pinakabagong Koreanovelang magpapakilig sa mga manonood sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. Ang dating amnesia plot ay mabibigyan ng exciting at nakatutuwang twist sa bagong romantic-comedy series ng GMA-7, ang Couple or Trouble, na magsisimula ngayong September 24, kapalit ng Foxy Lady.

Ang Couple or Trouble ay kuwento ng dalawang taong imposibleng magkagusto sa isa't isa dahil sa labis nilang pagkakaiba—ang babae ay mayaman at arogante, samantalang ang lalaki ay bastos at simpleng karpintero lamang—ngunit pagtatagpuin sila ng tadhana sa pamamagitan ng pamilyar na amnesia plot.

Magsisimula ang kuwento kay Anna Cho (Han Ye Seul) na naulila sa mga magulang noong bata pa siya, at iniwanan siya ng mga ito ng napakalaking mana. Inalagaan siya ng kanyang lola hanggang sa mamatay ito noong siya ay 12 anyos pa lamang. Kaya't lumaki siyang walang masasandalan, pero buhay-prinsesa na sinasamba ng mga kamag-anak, na ang habol lang sa kanya ay ang kanyang kayamanan.

Continue reading below ↓

Kaya naman magiging masama ang kanyang ugali, mainitin ang ulo, at parang alipin kung tratuhin ang ibang tao. Maging ang sarili niyang asawang si Billy (na ginagampanan ni Kim Sung Min, na mas kilala sa Filipino viewers bilang si Joshua sa Korean series na Irene) ay nagbabalak kung paano siya mawawala sa buhay niya.

Magbabago ang kanyang kapalaran kapag nagtagpo sila ni Eugene Jang (na gagampanan ni Oh Ji Ho), na nakatira kasama ang tatlong anak na iniwan sa kanya ng kanyang yumaong kuya na nagpalaki sa kanya.

Si Eugene ang may-ari ng Buheung E&C, isang small-time construction company na sa totoo ay gumagawa lamang ng mga maliliit at simpleng proyekto, tulad ng paggawa ng bakod, pag-aayos ng banyo at kusina, at paglalagay ng heater. Kahit anong gawain ay papatulan niya para lang kumita.

Kapag nagbangga ang dalawang taong ito na labis na magkaiba, tiyak na mabibigyan ng nakaaaliw na twist ang amnesia plot: Ano kaya ang gagawin ng hambog na si Eugene kapag biglang nagka-amnesia si Anna dahil sa kanya? Paano magsisimula ang totoong pag-ibig mula sa isang kasinungalingan?

Continue reading below ↓

Pamilyar ngunit tiyak na exciting at nakatutuwa pa rin ang kuwento ng Couple or Trouble. Magsimula nang humalakhak at kiligin ngayong September 24 sa Couple or Trouble, kapalit ng Foxy Lady sa GMA-7 Dramarama sa Hapon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Oh Ji Ho, Han Ye Seul, and Kim Sung Min are the stars of Couple or Trouble, the new Koreanovela of GMA-7. It will premiere this afternoon, replacing Foxy Lady in the Kapuso Network's Dramarama sa Hapon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results