Erik Santos and Aaron Villaflor's characters fight over Charee Pineda in MMK

Erik Santos (left) will topbill the New Year episode of ABS-CBN’s Maalaala Mo Kaya this Saturday (January 5).




Muling sasabak sa heavy drama ang Prince of Pop na si Erik Santos sa Sabado (January 5) sa buena manong handog ngayong 2013 ng longest-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.


Bibigyang buhay ni Erik sa nasabing MMK episode ang karakter ni Roque, isang mahiyaing binata na walang ibang minahal mula pagkabata kundi si Merlinda (Charee Pineda). At sa labis na pag-ibig ni Roque sa dalaga, maging ang nakababatang kapatid niyang si Raul (Aaron Villaflor) ay todo-suporta sa kanyang panliligaw.


Labis-labis na sana ang ligaya ni Roque mula nang mapasagot niya si Merlinda, ngunit isang balita ang gugulantang sa kanya—magpapakasal si Merlinda kay Raul. Paano tatanggapin ni Roque na ang kaisa-isang babaeng pinapangarap niyang makasama ay umiibig pala sa kanyang kapatid?


Gaganap bilang matandang Roque at Raul sina Cris Villanueva at Dominic Ochoa.


Tampok rin sa episode ngayong Sabado sina Levi Ignacio, Deborah Sun, Efren Reyes, Pinky Marquez, at Arjo Atayde. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat ni Joan Habana, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz.


Ang pagbabalik-MMK ni Erik ay mapapanood ngayong Sabado, January 5, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN