Marian Rivera feels challenged portraying a character seeking revenge in Temptation of Wife

Marian Rivera (in photo) plays two characters in Temptation of Wife. One is the good wife Angeline and the other one is the revengeful Chantal. Marian pointed out about her character: “Hindi naman bad si Chantal. Siguro binabalikan niya lang ‘yong mga taong nang-api sa kanya. Pero still, nandoon pa rin ‘yong puso ni Angeline na mabait pa rin.”


Nagsimula noong nakaraang linggo ang paghihiganti ng karakter ni Marian Rivera sa GMA-7 primetime drama series na Temptation of Wife.

Nagsimula ang serye na ang karakter ni Marian ay ang mabait na asawa ni Marcel (Dennis Trillo) na si Angeline.

Ngunit matapos siyang hayaang malunod ni Heidi (Glaiza de Castro) na kabit ni Marcel, nagsimula ng bagong buhay si Angeline bilang si Chantal, sa tulong ni Yolanda Armada (Ayen Munji-Laurel) at anak nitong si Nigel (Rafael Rosell).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian noong Enero 6, sa taping ng Extra Challenge,sa Quezon City Memorial Circle.

Dito’y nabanggit namin ang pagbabago ng kanyang karakter, na nagbago mula sa pagiging mabait ay naging matapang at palaban.

“Hindi naman bad si Chantal,” paglalarawan ng Primetime Queen ng Kapuso Network sa kanyang karakter.

“Siguro binabalikan niya lang ‘yong mga taong nang-api sa kanya.

“Pero still, nandoon pa rin ‘yong puso ni Angeline na mabait pa rin, at still ‘yong mga nakagawa ng kasalanan sa kanya is babalikan niya talaga. Pero hindi siya bad.”

CHALLENGING ROLE. Hindi naman daw masasabi ni Marian na “mahirap” gampanan ang kanyang karakter bilang si Chantal.

Nakikita niya ito bilang “challenge” sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.

Paliwanag niya, “Kasi ang sarap sa pakiramdam na may iba’t ibang character at ang sarap paglaruan ng character ni Chantal, e.”

Kaya naman ang mensahe niya sa mga tagasubaybay ng Temptation of Wife: “Kung i-e-expect lang napakarami pang i-e-expect, dahil ngayon pa lang nagsisimula ang laban ni Chantal.

“So marami pa siyang pagdadaanan at marami pa siyang gagantihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN