Zaijian Jaranilla is featured in four episodes of Wansapanataym this January

Ibinahagi ni Zaijian Jaranilla kung paano niya inaaral ang iba't-iba niyang roles, "Pag kasi po sa taping, inaalalayan naman po, sinasabi po lagi sa ‘kin ng direktor namin kung ano yung tatakbuhin ng storya tsaka ako na lang po yung nag-iisip."



Si Zaijian Jaranilla ang magbibida sa apat na episodes ng Wansapanataym ngayong Enero.

Bilang isang child star, marami na ring roles ang nagampanan ni Zaijan sa kanyang mga teleseryeng, May Bukas Pa, Noah, Ikay ay Pag-ibig, at Lorenzo’s Time.

Sa presscon kahapon, January 7, sa Lola Café sa Quezon City ay ibinahagi ni Zaijian kung paano niya inaaral ang kaniyang mga roles.

Aniya, “Pag kasi po sa taping, inaalalayan naman po, sinasabi po lagi sa ‘kin ng direktor namin kung ano yung tatakbuhin ng storya tsaka ako na lang po yung nag-iisip.

Nauna nang ipalabas sa Wansapanataym ang “Gagam-Buboy” noong Linggo, January 6, kung saan gumanap si Zaijan bilang isang gagamba.

Ang mga natitira pang episodes ay, “Nicolas Layas,” Number 1 Father and Son,” at “Kapitan Liit.”

Dahil sa pagtuturo nito ng mga magagandang-asal sa sa mg kabataan, binigyan ng parangal ang Wansapanataym ng PMPC Star Awards for TV, Catholic Mass Media Awards, at ng Germany-based, Prix Jeunesse International Festival.

Ang writer ng Wansapanataym na si Cris Lim ay matagal nang nagsusulat ng mga istoryang pambata mula pa sa Penpen de Sarapen (1987-2001) na ipinalabas sa RPN at maging ang Hiraya Manawari (1995-2003) na ipinalabas noon sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN