Crowd joins Marian Rivera and Boobay in giving task to participants in Extra Challenge

Sina Marian Rivera at Boobay (above photo) ang sumama sa mga challengers na sina (L-R, photo below) Wendy Valdez, Kim Idol, Maey Bautista, Victor Aliwalas, at Keanna Reeves para sa kanilang susunod na challenge—ang magtulak ng giant ball habang binabato sila ng mga tao ng iba’t ibang dumi. Sino kaya ang mananalo sa challenge na ito?


Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang tao sa Quezon Memorial Circle na maging bahagi ng isang challenge para sa reality show ng GMA-7 na Extra Challenge.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahan noong Enero 6, upang saksihan ang pagkumpleto nina Wendy Valdez, Keanna Reeves, Victor Aliwalas, Maey Baustista at Kim Idol sa challenge nang araw na iyon.

Ka-partner ng show ang laundry soap brand na Ariel para sa giant ball challenge na gagawin ng limang kalahok.

Ang mga hosts na sina Marian Rivera at Boobay ang kasama ng limang challengers para sa challenge na ito.

Ang gagawin ng mga kalahok ay katulad ng sa commercial ng laundry soap brand, kung saan kailangan nilang pagulungin ang giant ball papunta sa goal ng kanilang mga kalaban.

Pero ang nagpahirap sa challenge na ito ay pinuno ng tinta at putik ang daan, at binabato ng mga tao ng water balloon at tunaw na ice cream sa itinutulak nilang bola.

Ang challenger na mayroong pinakamabilis na oras na makarating sa goal ng kalaban ang tatanghaling nanalo.

Sino kaya ang nagtagumpay sa challenge na ito?

Abangan iyan sa Extra Challenge ngayong Enero 12 at 13, 7:30 ng gabi sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN