Iza Calzado denies walking out after shooting slapping scene with Andi Eigenmann in Kahit Puso’y Masugatan

Iza Calazado (left) and Andi Eigenmann (right) deny the issue that there’s a gap between them as they worked on Kahit Puso’y Masugatan. Instead, both agreed, they built friendship over the months that they were together.


Nasa huling dalawang linggo na ang unang primetime drama series ni Iza Calzado sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan.

Sa mga nalalabing episodes, may mga confrontation scenes na magaganap sa mga karakter ni Iza at ni Andi Eigenmann. Si Iza ang gumaganap bilang karakter na si Andrea samantalang si Andi ay gumaganap bilang Veronica.

Noong January 22, dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa finale presscon ng show sa Casa Filipino sa Tomas Morato, Quezon City.

May isang kontrobersiya na nilinaw sa presscon ng araw na iyon— ang “slapping scene” nina Andi at Iza. Tinanong ng isang tabloid editor kung totoong nag walk out si Iza sa set ng Kahit Puso’y Masugatan matapos kunan ang slapping scene nila ni Andi. Tinanong rin ng editor kung napaiyak si Iza off-cam dahil sa lakas ng sampal.

Hindi raw kasi inaasahan ni Andi ang sampal na iyon sa kinukunan nilang eksena, at dahil napalakas nga ay tila hindi ito nagustuhan ni Iza kaya nag-walk out ito.

Mabilis naman na dumipensa si Andi.

“It’s not true,” bulalas ni Andi.

“I think somehow it’s my fault because I didn’t know and she didn’t know that… hindi sinabi sa akin ni Direk [Wenn Deramas].”

Sa puntong ito, sumingit na si Iza at pabirong sinabi, “I predicted, pero I underestimated her powers!”

Ngunit nilinaw niya na, “I didn’t walk out.”

Dagdag pa ni Andi, “very professional” daw ang kanyang co-actress kung kaya hindi nito pinersonal ang nangyari.

Sinang-ayunan naman ito ni Iza na gumaganap bilang Andrea sa teleserye.

Ani Iza, “alam n’yo po bilang artista, ‘pag kayo ang artista at sinabing manampal kayo, gawin n’yo na.

“Kasi kapag take two, take three, nakakasakit din ng ulo, e, ‘yong kailangan emosyon kailangan umiyak ka, magulat ka, gusto mo pa ba i-take two, take three ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, I would rather my co-actor does the best of her abilities, kahit saktan ako, basta doon niya gagawin—iba ‘yong off-cam.

“So never, kahit po sa pinakamalakas kong sampal na natikman, sa pagka-artista ko, never po akong nag-reklamo —na-shock ako, pero [hindi ako nag-walk out].”

Wala rin naman daw siyang nakikitang dahilan upang magkaroon ng “personal na galit” si Andi sa kanya, kung kaya napalakas ang sampal nito sa kanya.

IZA HAPPY BEING A KAPAMILYA STAR. Masaya si Iza dahil naging matagumpay ang unang proyekto niya sa ABS-CBN.

Matatandaan na noong Enero 24, 2012 nang pumirma ng three-year contract si Iza sa Kapamilya Network.

“Ako po’y nagpapasalamat sapagkat ang unang proyekto ko po sa channel two ay tumagal ng seven months,” nakangiting sinabi ng aktres.

“At ang dami ko pong natutunan lalung-lalo na po sa aming direktor na si Direk Wenn [Deramas].

“At talagang na-challenge ang pagka-artista ko, ‘yong pagka-aktres ko and I’m sure na I’m coming out of this show as a better actress. But I still have a lot to learn.”

SHOOTING RAPE SCENE WITH JAKE CUENCA. Si Jake Cuenca ang lalaki na bumuo sa love triangle sa pagitan ng mga karakter ni Iza at Andi.

Tinanong sina Jake at Iza na idetalye ang mga eksenang nahirapan sila na gawin.

Unang nagbahagi si Iza, na sinabing ang kanyang “rape” scene at “monologue” ang talagang sumubok sa “pagka-actress” niya.

“Uhm, ‘yong sa akin po siguro po hindi lang… it’s not just one scene na mag-stand out, may mga several po,” pagsisimula ng aktres.

“‘Yong rape scene, atsaka ang mas mahirap po doon bago ‘yong rape, I have to shoot the scene where I have to retell the scene na hindi pa nakukunan.

“So para akong nagkukuwento ng isang bagay na hindi pa nangyayari, pero kailangan paniwalaan na nangyari na, hirap na hirap akong gawin ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos mayro’n din po, si Direk Wenn ‘yong nagbigay sa akin ng isang monologue na pagkahaba-haba at talagang on the spot. Pero binigyan naman po nila ako ng panahon para mamemorya ‘yong linya.”

Pero gaano man daw kahirap ang mga eksenang ito, ang iniisip na lamang daw ni Iza ay magawa nang maayos ang kanyang karakter, at matuwa sa performance niya ang kanilang direktor.

Aniya, “natuwa lang po ako sa naging… feeling ko parang nagawa ko nang matino ‘yong eksena, at mas masaya po ako kung bibigyan ako ng tsek at star ni Direk Wenn.

“Kasi po si Direk Wenn hindi basta-basta magsasabi ‘yan ng comments niya, hindi ‘yan bawat eksena [kakausapin ka], unless ma-feel niya na maganda ‘yong ginawa mong eksena.”

Katulad ni Iza, isa sa mga pinakanahirapan si Jake na eksena ay ang rape scene nila ng aktres.

Mayroon kasing isang eksena kung saan ni-rape ni Rafael (Jake Cuenca) si Andrea (Iza Calzado), na siyang dahilan para mabuntis si Andrea.

Kuwento ni Jake, “Ako no’ng ginawa namin ‘yong rape, feeling ko wala nang mas tataas pa do’n, tapos papunta ako sa bundok akala ko wala nang mas tataas pa do’n, ‘tas nakulong ako.

“Ngayon lang ako nakadanas ng isang character na [ang daming pinagdaanan].

“Para sa akin, ang pinaka-memorable sa akin ‘yong nag-shoot kami sa Mt. Pinatubo, at kaeksena ko doon ‘yong mga Aeta, at ang gagaling nilang umarte.

“Kaya para sa akin [iyon] ang pinaka-interesting kasi ang ganda talaga sa Mt. Pinatubo.”

“SAPAWAN” ISSUE. Samantala, napag-usapan naman sa presscon ang tila “sapawan” sa pagitan nina Iza at Andi.

Ang mga karakter kasi nilang sina Andrea (Iza) at Veronica (Andi) ang mahigpit na magkalaban sa istorya.

Dumating naman na si Andi bago naitanong ang isyu, kaya nakapagbigay ang dalawang aktres ng kanilang opinyon tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nagsalita si Iza, na sinabing wala naman siyang nararamdaman na mayroong sapawan sa pagitan nila ni Andi.

“Ako kasi hindi ko talaga iniisip ‘yon,” panimula ni Iza.

“So hindi ko naman nararamdaman, unang-una sa lahat.

“Kasi kami binibigyan kami ng instructions ni direk, sumusunod lang kami sa instructions and hindi talaga… ‘yong character kasi ni Andi sobrang lakas talaga, talagang it will come off na para siyang nananapaw.

“But not in real life, Veronica as a character, mananapaw talaga siya.

“So talagang sa isang eksena, mararamdaman ‘nyo ‘yong kung pinapanood ‘nyo ‘yon at kung hindi ‘nyo naramdaman ‘yon, ibig sabihin hindi nagawa ni Andi ‘yong trabaho niya— so ibig sabihin nagawa niya ng maayos ‘yong trabaho niya which is good.”

Dinepensahan naman ni Andi ang sarili, na sinabing pinangangatawanan lamang niya ang kanyang karakter.

Aniya, “if ever man na gano’n ang lumabas, I’m not aware of it.

“Kasi ang wino-worry ko lang is to portray Veronica the way she should be portrayed, parang ‘yon po ang ina-ano ko.

“Hindi ko po iniisip na parang in real life sinasapawan ko o mas mapapansin ako kaysa sa kaeksena ko.

“Kung ano lang po ‘yong hinihingi ng character, ‘yon lang po ang ginagawa ko.”

FRIENDSHIP. Dahil sa trabaho nila sa Kahit Puso’y Masugatan, mayroong nabuong pagkakaibigan kina Iza at Andi.

Hindi man sila madalas magkasama sa iisang location, kuwento ni Andi, sa mga pagkakataon na nagkakasama sila’y kay Iza talaga siya tumatabi.

“Lagi po akong nagkukuwento sa kanya,” masiglang sinabi ni Andi.

Singit naman ni Iza, “Oo, about sa lovelife… mga ganyan,” na dahilan para matawa si Andi.

Para naman kay Iza, hindi man ganoon kalalim ang pagkakaibigang nabuo sa kanila ni Andi, masasabi niyang mayroon siyang “fondness” sa batang aktres.

Ito’y dahil na rin, ayon kay Iza, sa “respeto ko kay Nanay Jane [referring to Jaclyn Jose, Andi’s mother].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumataas [ang respeto ko] kapag nakikita ko si Andi, ‘naku kailangan mahalin ko ‘yo dahil mahal na mahal ko ang nanay nito.’”

Abangan ang mangyayari sa mga karakter nina Iza, Andi, Jake at Gabby— kung sino ang mamamatay, kung masasakatuparan ba ang masasamang balak ni Veronica (Andi), at kung ano ang mangyayari sa paghaharap sa korte nina Andrea (Iza) at Rafael (Jake).

Mapapanood ang Kahit Puso’y Masugatan hanggang February 1, 2013. Palabas ito mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN