Angelica Panganiban quips about their new concepts: “Kulang na lang, bayaran kami ng management dahil idea namin yun.”



Ang original cast ng Banana Split, tulad ni Angelica Panganiban, ay hindi makapaniwalang limang taon na ang kanilang gag show.

Sa taping ng Banana Split sa Studio 5 ng ABS-CBN noong September 17, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Angelica Panganiban.

Ayon sa kanya, “Excited, excited… siyempre, masaya kami.

“Hindi kami makapaniwala na limang taon na kami.

“Parang dati, noong tatlong taon pa lang, gusto namin maging four, tapos, naging five.

“Parang hindi mo akalain na maliit na grupo, ganyan.

“Kasi, kung ano naman ang nakikita ninyo, ito na kami, ganito na yun—isang pamilya na kasi.

“Masyado na naming kilala ang isa’t-isa kaya madaling-madali na para sa amin kung ano ang kinahihiligan ng mga tao, yung mga laglagan segments.

“Doon talaga sila naaaliw hanggang ngayon, kaya hindi rin kami hirap i-deliver ang mga yun, kasi, ganoon din ang samahan namin.

“Talagang well-bonded kaming lahat.”



IMPERSONATOR. Sa Banana Split, ang pag-i-impersonate niya kay Kris Aquino bilang si Krissy ang isa sa kinaaaliwan sa kanya ng mga manonood.

May plano pa ba si Angelica na mag-impersonate ng iba?

Sabi niya, “Wala naman, pero, siguro, dahil ngayon, dito kami naka-focus. Pero, ganoon naman kami.

“Kapag wala kaming ibang ginagawa at isang-daang porsiyento ang naibibigay namin dito, kung ano-ano ang naiisip namin talagang kalokohan.

“Kanina, nasa dressing room lang kami at nag-uusap-usap lang kami ng mga plano namin sa show.

“And ano naman kasi, dito naman, sobrang open, talagang nagsasabi kami ng mga gusto naming segment.

“Kulang na lang, bayaran kami ng management dahil idea namin yun,” saad ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN