The Amazing Race Philippines contestant Pamela Spella hosts TV5's The Alabang Housewives show

Kakaiba ang format ng bagong TV5 show nina Pamela Spella (in photo) at Vanessa Ishitani na The Alabang Housewives. Kuwento ni Pamela: “Hindi ito puro kalokohan ang mapapanood ng mga viewers... Makukunan nila ito ng magagandang halimbawa as a mommy—katulad sa amin na nagka-asawa ng foreigner.”


Unang nakilala ang tandem na Pamela Spella at Vanessa Ishitani na may bansag na “Alabang Housewives” sa The Amazing Race Philippines.

Ngayon, ang dalawang contestants ay mayroon nang sariling morning show sa TV5 na The Alabang Housewives.

Sa presscon ng The Alabang Housewives noong January 11 sa Alex III Restaurant sa Timog, nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pamela.

Nilahad niya muna kung paano siya pinayagan ng Italian husband niya na sumali sa TARP.

Saad niya, “Well first of all, di ba yung reaction ko muna kasi noong nakita ko yung mga warning signs doon...

“Para bang, ‘Huwag na, ayoko ng sumali,’ baka hindi na ako makabalik nang buhay sa mga anak ko at tsaka sa asawa ko!

“So, natulog muna ako ng isang gabi, tapos nagising ako ng madaling araw.

“Sabi ko, ‘Pag hindi ko sinubukan, hindi ko mararanasan at malalaman kung ano ang mangyayari.’ Di ba?”

“So, noong bago ko muna kausapin yung asawa ko, kinuha ko na yung application form...

“Tapos, nagsulat na ako, nag-answer na talaga ako, puno na siya.

“Noong matapos kong sagutin, kinausap ko yung hubby ko.

“Sabi ko sa kanya, ‘Babe I think I want to join.’

“Which one?’ ‘The Amazing Race Philippines.’ ‘Ha? What’s that amazing race?’

“Sabi ko sa kanya, nanonood kasi ako nito sa internationally, sa Amerika pa, noong nandoon pa kami nakatira sa Hong Kong...

“Tsaka sa Australia, napapanood ko ito, so sabi ko, I’m interested.

“Sabi niya, ‘Ha? But you know what? You’re so little!’

“’Maybe I’m little as a person, but I have something big, e.’ Iyon ang sabi ko sa kanya.”

“Tapos, sabi ko sa kanya, ‘Di ba, may kasabihan, small but terrible? Sabi kong ganoon sa kanya.

“’Please let me go!’ Kasi siguro, sabi ko sa kanya, ang dami na nating travelling.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ba? So ito, ibang travelling ito, e... Experience ng sports tapos, hindi lang sports, kailangan din ng brain, di ba?

“So sabi ko sa kanya, ‘Baka may konting brain naman ako... alamin na natin,’” ang tumatawang sinabi ni Pamela.

PHILIPPINE BASED. Italian ang husband ni Pamela na may negosyo sa Pilipinas.

“He’s a business developer in the Philippines right now, pero ang dati niyang trabaho ay software.”

Ano ang naging reaksyon ng mister niya na nasa showbiz na si Pamela ngayon?

“Hindi siya masyadong show-off na katulad ko, e,” sabay-tawa muli ni Pamela.

“Lagi nga niyang sinasabi, ‘Don’t think too big immediately for your shoes’, sabi niyang ganoon sa akin.

“So iyon ang example kasi. So kailangan, ano pa rin ako, kung ano ako, nakilala niya ganoon pa rin ako.

“Sabi niya, maging natural lang ako, e, natural naman talaga ako e—nakikita ninyo naman siguro.

“So iyon nga, okay naman siya, proud naman siya sa nangyayari.”

NEW SHOW. Ang The Alabang Housewives ng magkaibigang Pamela at Vanessa ay nagsimula noong Lunes, January 14.

Panibagong pagkakataon ito upang makilala ng mga Pinoy viewers ang mga Alabang Housewives.

Mapapanood kung paano nila balansehin ang kanilang mga roles—businesswomen, maybahay, nanay at celebrities.

Makakasama din nila ang mga kilalang celebrities na tutulong sa kanila at magbibigay ng tips sa ibat ibang usapin.

Si Pamela ay isang experienced beauty consultant, at si Vanessa naman ay may buy-and-sell business at involved din sa kanilang family poultry business.

Sa pamamagitan ng programa, mapapanood ng mga viewers kung paano napagsasabay ng mga modern Filipinas na ito ang dami ng kanilang mga nagagawa araw-araw.

Napapanood ang Alabang Housewives tuwing ika-10 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes simula January 14 bago ang Face to Face.

Nagkakilala sina Pamela at Vanessa thru common friends, at nagba-bible study sila bilang mga Born Again Christians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Goal rin nila, with their show na maka-inspire ng mga tao.

“Opo! Itong show namin kasi, hindi ito puro kalokohan ang mapapanood ng mga viewers.

“Siguro, makukunan nila ito ng magagandang halimbawa as a mommy—katulad sa amin na nagka-asawa ng foreigner.

“Kasi, dito sa atin sa Pilipinas, may mga asawa ng puti, ng Japanese, ang akala nila ganito lang kami.

“So pinakita namin sa lahat na mga mommy kami, na busy na ngayon, nagko-conflict yung schedule namin, pero naaalagaan namin yung mga kids namin.

“At hindi masamang mangarap!”

Sino ang mas mayaman sa kanila ng co-host niyang si Vanessa?

“Mayaman ako sa puso, ayokong aminin na mayaman ako,” biro ni Pamela.

CELEBRITY EPISODES. May episode na hinabul-habol nila si Nora Aunor pero si Pamela pala ay isang Vilmanian.

In fact, gusto nilang makapag-guest sa show nila si Batangas Governor Vilma Santos.

“Iyon nga po ang plano, tsaka ni-request ko na gusto ko siyang makita at ma-interview.”

Kung gagawin nga raw ang buhay ni Pamela, ang Star For All Seasons ang gusto niyang gumanap bilang Pamela.

Puro celebrities ba o may episode na pang-araw-araw na buhay nila ang ipapakita sa Alabang Housewives?

“First talaga, kasi hindi kami talaga ano sa showbiz...

“So, ang una talaga naming mga episodes ay more on artista talaga na medyo may pangalan para mabigyan rin kami ng pangalan,” at tumawa si Pamela.

“Ganoon talaga kasi. Kung kami lang kasi, hindi naman kami ganoon kasikat kaagad.

“Pero after noon, gagawa na kami ng sarili naming adventures—yung talagang hindi namin kinakaya dati, gagawin namin.”

COURTSHIP. Paano niya nakilala ang asawa niya?

“Noong nakilalala ko yung asawa ko dito sa Pilipinas, sa Makati.

“Tapos, he wanted to play golf but actually I was at the golf course that time,” at humalakhak si Pamela.

“In short, yung golf course na yun, it’s one of the special golf courses in the Philippines, kaya hinanap niya uli ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, binigyan niya ako ng maliit na papel para hanapin ko si Fernando.

“Sabi ko naman sa isip ko, kasi Maria Clara ang mga Pilipina, di ba?

“Inisip ko, ‘Bakit kita hahabulin?’ Ang mga foreigner, naglalaro lang, di ba?

“Puro games, so inisip ko sa sarili ko, ‘Okay, let’s play the game!”

“After three and a half weeks, he came back and then he looked for me again, so that started.”

Sa Hong Kong sila ikinasal.

“That time, you know, nahirapan akong kumuha ng passport. Inantay talaga niya ang eight months.”

18 years na silang mag asawa.

“Seventeen years po kaming kasal, 18 years kaming together.”

Dalawa ang anak nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN