Edu Manzano wants to bring back his late-night talk show Not So Late Night With Edu


Hindi raw minasama ni Edu Manzano na pansamantalang nawalan ng “tahanan” ang Game ‘N Go, ang Sunday noontime variety show ng TV5, kung saan isa siya sa mga host kasama sina Joey de Leon, Arnel Ignacio, Gelli de Belen, Shalani Soledad-Romulo at Daniel Matsunaga. Inokupa na kasi ng ilu-launch na bagong show ni Willie Revillame, ang Wowowillie, ang dating studio ng Game ‘N Go sa TV5 Delta Theater sa Quezon Avenue, Quezon City. Pero nauunawaan daw ito ni Edu.

“Well, balak ko talagang idemanda ang channel 5 at lahat ng executives,” pabirong unang hirit ni Edu pero biglang bawi niya, “Hindi, actually kasi napag-usapan na namin yun, e. Ang tagumpay ng TV5 is not only of one show. No one show can make a TV station or a TV network. It has to be a team effort, e. So, lahat kayo… all have to contribute.

“Kung hinihingi ngayon ay mas malaking studio para kay Willie at mas malapit at mas madaling puntahan ng tao, then pagbigyan. Nagkataon lang na available yung Delta. But now pwede namang kaming magpalit, e, nandun yung Novaliches [studio] bakante. Nandun pa rin yung Broadway. At the same time ginagawa na rin yung sa Mandaluyong sa Reliance. That is multi-entertainment complex. So, kung ang hinihingi ng bagong show ni Willie is a bigger venue, then we have to sacrifice muna.”

Wala naman daw dahilan para malungkot kahit wala na sila sa Delta dahil ang mahalaga raw ay tuluy-tuloy pa rin ang show nila. May ginawa ring innovation sa programa ang TV5 management para bumagay sa outdoor venue ngayon ng show. Simula nga this Sunday, January 27, ay makikilala na ang show bilang Game ‘N Go All Stars, kung saan itatampok ang labanan ng mga celebrity at Kapatid stars na hinati-hati sa iba’t ibang teams.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa taping ng first episode ng Game ‘N Go All Stars na ginanap noong Enero 22 sa Recom Gymnasium sa Caloocan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam niya na outdoor na ang venue ng Game ‘N Go ngayon?

“Iba ang dynamics kasi pag nandun na yung mga tao, e, at saka hindi mo expected, e. Kaya lang minsan may unforeseeable circumstances. Kasi pag nasa loob ng studio kahit paano mako-control mo yung tao, e, di ba? Pag nasa labas kayo siyempre may mga… maaaring umulan, maaaring magkaroon ng technical malfunctions. But then iba rin yung energy kasi pag nandun ka mismo sa harap ng mga tao, e.”

Para kay Edu ang kagandahan lang ng outdoors ay mas napapalapit sila sa mga tao mismo.

“Ako kasi talaga nag-e-enjoy ako sa tao e. I mean, some of my most successful shows were yung binigyan ako ng pagkakataon na talagang makipag-interact sa kanila e. Nag-e-enjoy naman ako sa outdoors.”

BONDING WITH JOEY DE LEON. Ngayong mas tumatagal ang pagsasama nila sa show ni Joey de Leon, masasabi ba niyang mas gumanda ang bonding nilang dalawa?

“You know, Joey and I have… I think Joey and I have to that point sa aming careers where we don’t think of ourselves anymore, e. We’re looking at yung total product, e. You know, we have a very important role to play the fact that meron kaming mga karanasan, meron kaming maturity already, the experience. That’s very, very important lalo na ngayon na we’re going to the live audience, e. That’s why sa hilera ng mga humorist katulad ni Joey mahirap siyang hanapan ng kasabay, e, because he has mastered the art already. So, that’s a very, very big advantage for the show.”

Pero nakakasabay ba siya kay Joey?

“Iba naman yung kuwan namin, e… iba naman yung style namin. Actually, si Joey is very soft-spoken. Ako medyo magalaw, malikot ako, e. Si Joey is very swabe, hindi mo basta makikita yung punchline, e, kailangan mo siyang pakinggan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi niya bang nagko-complement sila sa isa’t isa?

“I would like to think, oo, that we do.”

MORE SHOWS. Bukod sa Game ‘N Go, napapanood din si Edu ngayon bilang bagong dagdag sa morning show ng TV5, ang Good Morning Club. Kung tutuusin hindi na bago kay Edu ang pagsabak sa morning show dahil nagawa na niya ito dati sa ibang TV networks.


“Well, balik ako sa morning show. Balik sa uwi ng maaga. Balik sa maagang gising, ngayon 3:30 [a.m.] na ang gising.”


Kumusta naman ang adjustment sa mga kasama niyang hosts?

“Kaibigan ko silang lahat, e, so kumportableng-kumportable ako. Kumare ko si Tin-Tin [Bersola-Babao], kumare ko si Amy [Perez]. Kaibigan ko si Chiqui [Roa-Puno] and her husband. So, wala akong kuwan e, wala akong getting-to-know-you. At saka madali silang kasundo.”

Sa kabila ng kanyang busy schedule kaya pa rin daw tumanggap ng ibang show ni Edu. Sa katunayan meron na raw siyang naka-line up na gawin.

“Ibabalik namin yung Not So Late Night With Edu. Yun sigurado yun.”

Once a week lang naman daw ito kaya pwede pa niyang maisingit sa schedule.

NOT MISSING ACTING. Kuntento raw si Edu sa hosting jobs niya ngayon. Hindi ba niya nami-miss ang pag-arte?

“No, I don’t miss it at all. Kasi tumigil ako ng pelikula 2004. Tumigil ako ng teleserye 2006. Hindi ko pinagsisihan. I still get offers pero ang hirap din kasi yung estilo ng paggawa dito ng pelikula. You know, yung tatlong araw ka lang magsu-shooting sa loob ng isang linggo. Oo nga pero gulay ka naman kinabukasan. Parang I’ve been there, done that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN