LUV U celebrates 1st anniversary; reveals changes for its upcoming 5th season

Ang cast ng LUV U: (L-R, standing) Mimi, Cai Cortez, Alfred Labatos, Joy Viado, Ryan Boyce, Marco Gumabao, and Miles Ocampo; (L-R, sitting) CJ Navato, Angeli Gonzales, Kiray Celis, Tippy Dos Santos, and Igi Boy Flores. Mapapanood sa February 3, 2013 ang 1st anniversary special ng LUV U, pagkatapos ng ASAP 18 sa ABS-CBN.


Mas maraming kulitan, kilig, at tawanan ang ipinangako ng LUV U cast para sa kanilang first anniversary.

Isang back-to-back anniversary presscon ang naganap kahapon, Enero 19, sa Dolphy Theater para sa unang taon ng LUV U at ikawalong taon ng Goin’ Bulilit— na pinanggalingan ng karamihan ng cast sa teen comedy show.

“Siyempre ngayon pong first year anniversary namin, sobrang saya po namin,” wika ni Miles Ocampo na siyang isa sa mga bida ng Luv U.

“Sobrang thankful po na tumagal ang show namin na ganito.

“Siyempre ‘yong mga susunod na episodes, mas lalo po namin pinapaganda, mas nakakakilig at mas nakakatawang eksena ang mapapanood ninyo.”

Ang iba pang kasama sa show ay sina Marco Gumabao, Kiray Celis, Igi Boy Flores, Angeli Gonzales, at CJ Navato.

RIVAL SHOWS. Mayroong bagong katapat na show ang LUV U, ang teen-oriented program ng GMA-7 na Teen Gen.

Gayunman, sinabi ni Miles sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press na hindi na nila ito iniisip.

Aniya, “Actually, parang makailan na po ‘yong nakatapat sa amin po.

“So parang kami, ‘yon po ang motivation namin para mas lalo naming galingan, para mas lalo naming i-push ‘yong mga sarili namin para lalong maging magaling ‘yong mga episodes namin.”

HIGH SCHOOL TO COLLEGE. Naibahagi naman ng head writer ng Luv U na si Ricky Victoria ang mga magaganap na pagbabago para sa fifth season ng show.

Una na diyan ang “graduation sa high school, then tapos noon magkakaroon ng summer episode na out of the country po, sa Hong Kong.

“Tapos may mga madadagdag po na cast, pina-finalize pa po namin kung sino ang papasok.”

Para saan ang mga bagong cast?

Ito’y para sa college life na papasukin ng mga bagong graduate.

“Iibahin din po ‘yong setting,” pagbabahagi ni Ricky.

“Magkakaroon po ng dorms na magkakasama ang boys, at magkakasama ang girls.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre, mag-e-evolve din daw ang mga loveteams nina Miles at Marco; Kiray at Igi Boy; at Angeli at CJ.

“Mas mature na po sila,” sabi ni Ricky habang nagtutuksuhan ang mga lead stars ng show.

“‘Yong mga loveteams po, pagdadaanan pa rin nila ‘yong mga usual na pinagdadaanan ng magkarelasyon.

“Magkakaroon po ng challenges sa kanila, pero magagawan pa rin ng love ng paraan.”

ANNIVERSARY SPECIAL. Samantala, isang anniversary special naman ang inihanda ng Luv U sa kanilang February 3 episode.

Gagawin na ang kanilang JS Prom, na isa sa mga highlights sa high school life.

Pero bukod sa JS Prom, dapat din daw abangan ang announcement ni Principal Spencer (Smokey Manaloto), at ang special guest para sa episode na iyon.

Mapapanood ang anniversary special ng Luv U ngayong Linggo, February 3, pagkatapos ng ASAP 18 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN