Max Collins describes how director Maryo J. delos Reyes motivates her to act with her "heart"


Malaki ang pasasalamat ng GMA-7 actress na si Max Collins sa award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes kaya mahusay ang pagkakaganap niya bilang si Cindy sa primetime series na Pahiram Ng Sandali.


Ayon kay Max ay iba raw talaga kung mag-motivate si Direk Maryo J. delos Reyes ng kanyang mga artista. Hindi nga raw niya naisip na balang-araw ay maididirek siya ng naturang director.


“I’ve seen his films like Magnifico and Naglalayag. And they are all excellent films. I also want to see his other films like My Other Woman, Kaya Kong Abutin Ang Langit, Tagos Ng Dugo. Lahat ng ginawa niya.


“Sa TV, napanood ko naman yung Munting Heredera and Biritera. Maganda ang pagkakagawa niya ng mga iyon.


“I never thought na one day, I will be handled by Direk Maryo and experience how he motivates his actors.


“Sa mga kuwento kasi nila Tita Lorna [Toletino] and Tito Boyet [de Leon], they’ve worked with Direk Maryo for so many times and it was always a great experience working with him.


“Kaya I am so lucky that I had this chance to work with such a wonderful and great director,” ani Max nang makapanayam siya ng PEP.ph last January 29 sa Lola’s Restaurant in Quezon City.


Sa naturang panayam kay Max, ikinuwento rin nito ang pangarap niya na makita at makilala ang kanyang ama na isang Amerikano.


(CLICK HERE to read related article)


Dagdag nga ni Max na may tinatawag na “magic touch” si Direk Maryo sa kanyang mga artista, lalo na kapag mino-motivate niya ang mga ito.


Nagkuwento si Max ng isang paraan ni Direk Maryo kung paano siya hinanda nito para sa kanyang role bilang si Cindy sa Pahiram Ng Sandali.


“Si Direk Maryo kasi, during rehearsals he will show us first kung ano ang gusto niyang makitang iarte namin sa isang scene. He will act it first sa amin. Then kami naman ang mag-execute.


“Tahimik lang siya at first habang pinapanood niya kami. Then he will approach us and tell us na may kulang sa ganitong part ng scene. He wants na kapag dumating na sa ganitong dialogue, dun kami maglalabas ng emotions namin.


“Kung galit, he wants na talagang galit. Kapag dramatic naman ang scene, he wants na ang pag-deliver namin ay napi-feel din namin. And he needs to feel it too.


“Sabi nga niya, kapag iyakan ang eksena, kailangan maiyak din siya sa mapapanood niya sa amin.


“Hindi lang daw basta na nag-deliver kami ng dialogue, we have to feel it and understand it.


“He told me when acting, I just don’t memorize, I have to put myself into it. Kailangan may puso ang pag-arte namin,” diin pa ni Max.


Kaya hinahanda ni Max ang kanyang sarili sa magiging confrontation scene niya with Lorna Tolentino kapag nalaman na niya ang naging secret affair nito sa kanyang boyfriend na si Alex, played by Dingdong Dantes.


“I guess it will be one of the most difficult scenes na gagawin ko ng character ko.


“Kasi nga it will not be easy to accept that your own mother had a secret affair with the man you love.


“Siguro kung ibang babae lang yun, things will not be pretty. There will be physical violence talaga dahil ipaglalaban mo ang lalaking mahal mo.


“But to find out na sarili mong ina? Paano mo magagawa ang magalit ng husto, di ba? How can you physically hurt the woman who gave life to you?


“So yun ang conflict na kakaharapin ni Cindy sa Pahiram Ng Sandali. Kaya I need Direk Maryo to really show me the right motivation. And I know na hindi niya kami pababayaan sa matinding eksenang iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN