Dingdong Dantes says his scenes in Pahiram ng Sandali are "very realistic"



Matindi ang emosyon na ipinapakita ni Dingdong Dantes bilang si Alex sa mga dramatic scenes niya sa Pahiram Ng Sandali, which prompted reporters na itanong sa kanya kung ano ang iniisip niya kapag may matindi siyang crying scenes sa naturang GMA-7 primetime drama?


“Well, siyempre meron. At talagang yung pinagdadaanan ni Alex, yun talaga yung nangyayari sa totoong buhay, parang, puwedeng mangyari sa iyo talaga dahil sa tindi ng mga kaganapan.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa set ng taping nila for Pahiram Ng Sandali sa Brgy. Pinagkaisahan sa Quezon City last Friday, February 1.


“Lalo si Miss LT [Lorna Tolentino], magmula umpisa hanggang dulo, halos puro mabibigat ang mga eksena.”


Lead stars sa Pahiram Ng Sandali sina Dingdong, Lorna (bilang Janice), Christopher de Leon (bilang Phillip), Max Collins (bilang Cindy) at Alessandra de Rossi bilang si Baby.


Sa lahat ng teleserye ni Dingdong, ito raw ang pinakamabigat.


“Oo, grabe, oo! Kasi sa lahat ng mga experiences na nangyari sa lahat ng characters parang...ang lupit na, e.


“Especially it’s very realistic, grabe!”


Kung siya ang tatanungin kanino dapat mapunta si Alex: kay Janice o kay Cindy? Ano ang dapat na ending?


“Siyempre mapatawad lahat ng napinsala, kasi pinagsisisihan naman namin, e, kahit hiniram namin ang sandaling iyon, pero ibinalik naman namin, e,” sabay-tawa ni Dingdong.


"Pero mali pa rin.


“So sana magkabalikan din sila siyempre ni Cindy. Kasi may mangyayari, may mabubuo, e.”


Sa totoong buhay, posible ba siyang magkagusto sa isang older woman?


“Anything is possible, anything is possible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN