Angelica Panganiban is torn between Piolo Pascual and Diether Ocampo in Apoy sa Dagat



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Magsisimula na ngayong Pebrero 11 (Lunes) ang isa sa pinakamalalaking Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN ngayong 2013 na tiyak na magpapainit sa gabi ng buong sambayanan, ang Apoy Sa Dagat na katatampukan ng mga karakter na sina Serena (Angelica Panganiban), Ruben (Piolo Pascual), Anton (Diether Ocampo), at Rebecca (Angelica Panganiban).

"Kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang, ang Apoy Sa Dagat ay sesentro sa buhay ni Serena, isang dalagang napadpad saisang isla at lumaki nang walang kahit anong naaalala tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil sa kawalan ng pamilyang masasandalan, natagpuan ni Serena ang isang matibay na sandigan sa katauhan ni Ruben na kalauna’y bibihag sa kanyang puso.

"Sa panahong akala nila ay wala nang hahadlang sa kanilang pag-iibigan, isang aksidente ang sususbok sa tatag nina Serena at Ruben. Anong kayang gawin ni Serena upang maisalba ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya? Ano ang magiging kaugnayan ng mayamang negosyanteng si Anton sa buhay ni Serena? At ang pinakamalaking tanong sa lahat—sino nga ba si Rebecca sa buhay nina Ruben, Anton at Serena?

"Bukod kina Angelica, Diether, at Piolo, bahagi rin ng cast ng de-kalibreng primetime teleserye sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos, at Mikaila Ramirez. May special participation sa serye sina Nikki Gil, Empress, at Patrick Garcia. Ang Apoy sa Dagat ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka.

"Simula Pebrero 11 (Lunes), mapapaso ang buong bayan sa panlilinlang ng isang mukha na nagtataglay ng dalawang katauhan sa Apoy Sa Dagat, gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN