Valeen Montenegro on her image now: “Hindi ako mukhang pang-masa, pero as a person, adventurous ako.”

Valeen Montenegro (in photo) says hosting TV5's Jeepney Jackpot Pera o Para brings out her natural “makulit” side. She even adds that, “nadagdagan lang kasi sobrang kulit ni [Mr.] Fu, as in mas nadagdagan lang ‘yong kulit-ness naming dalawa.”


Lumabas daw ang natural na pagiging makulit ni Valeen Montenegro simula nang i-host niya ang “gameshow-on-wheels” ng TV5 na Jeepney Jackpot Pera o Para.

Nadagdagan pa nga raw ito ng kanyang co-host na si Mr. Fu, na mayroong “high energy” bawat episode.

Sinabi ni Valeen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala siyang pinagagayahan sa pamamaraan niya ng pagho-host sa show na ito.

“I just pictured myself na perfect for Fu as a co-host, gusto ko ‘yong someone na malalabas ‘yong character din niya.

“Kasi nagja-jive kasi talaga kami, e, parang magkatinginan pa lang kami alam na namin iniisip ng isa’t isa, parang B1 and B2, ganyan.

“So pineg [peg] ko lang ang sarili ko to what Fu wants to have as a co-host.

“E, I see him naman na masaya, e, ako rin naman I don’t try so hard na maging makulit around him.

“So feeling ko ‘yon talaga ‘yong nag-work.”

Bukod kay Mr. Fu, kasama rin niya sina Saida Diola at Andres.

Nakausap ng PEP si Valeen sa presscon ng Jeepney Jackpot Pera o Para kahapon, Pebrero 6, sa Flip Bistro sa Tomas Morato, Quezon City.

NOT PANG-MASA IMAGE? Mestisa si Valeen, kaya naman opinyon ng ibang entertainment press, hindi kaya nahihirapan ang dalaga na mag-reach out sa masang audience ng show?

“Ah, siguro hindi ako galing sa…hindi ako mukhang pang-masa, pero as a person, adventurous ako, e, so game ako sa lahat ng ‘yan,” giit ni Valeen.

Kuwento pa niya ng isang karanasan sa pagho-host ng show, “minsan pinupuntahan namin talaga sa bahay nila.

“May isa pa kaming napuntahan, sobrang as in ano ‘yan, basa, water, tapos may tulay then nandoon ‘yong bahay niya sa kadulu-duluhan.

“Naka-heels si lola mo, e, ayaw kong ma-delay kasi sobrang delayed na kami no’n. Sabi ko, ‘Fu, kaya ko ‘to. Ilalakad ko ‘to ng naka-heels.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ni Fu, ‘Ay, Inday! Pa-cut ang camera, kunin mo ‘yong tsinelas mo sa jeep!’ Hindi niya talaga ako pinapunta.”

THE MECHANICS. Draw lots ang ginagamit na paraan nina Valeen upang mapili kung sino ang mga maglalaro sa araw na iyon.

“Habang nagsi-spiel kami na wala pa kami, ‘yong buong crew nagpapalista, ‘tas ‘yong nalista iyon ‘yong ido-draw lots,” paliwanag ng TV host.

Iba’t ibang baranggay sa Metro Manila ang pinupuntahan ng grupo nila araw-araw.

“‘Yong first na mechanics, may green, yellow, and red level,” pagpapaliwanag ni Valeen sa mechanics ng kanilang game show.

“So pipili kami ng anim na contestants, tapos each level magtatanggal ng dalawa.

“So sa green level, from six magiging four, magiging two tapos magiging one na lang, ‘yon na ‘yong winner na pupunta sa jackpot round.”

Sa “Green Level,” kailangan sagutin ng mga manlalaro ang mga tanong tungkol sa “kasaysayan ng lugar, mga pangalan ng kalye, at mga landmarks sa ruta sa araw na iyon.”

Mga “trick questions” naman ang dapat sagutin ng natitirang apat na kalahok para sa “Yellow Level,” hanggang sa dalawa na lamang ang matira para maglaban sa “Red Level.”

“‘Tas doon papasok ‘yong pera o para,” pagpapatuloy ni Valeen.

“Kapag pera, gagawin niya ‘yong challenge, ‘tas kapag nagawa niya ‘yong challenge magkakaroon siya ng additional na P30,000 on top of the P20,000 kaya naging fifty [thousand pesos].”

Nagbigay din ng halimbawa ng challenge si Valeen.

“May time limit, example kunwari nasa San Juan kami.

“So gagawa kami ng challenge na medyo similar… ‘yong parang magre-represent sa San Juan, ‘yong basaan, di ba normally nagmamabsaan sila.

“So ang gagawin namin, ‘oh, kailangan mo tumalon sa obstacle course. ‘Tapos mag-ano ka ng timba ng tubig, babasain mo ‘yong isang tao. Kapag nabutas mo ‘yong parang tarpaulin pupunta ka sa ano…

“Kakain ka ng ganito then sisigaw ka ng ‘Jeepney Jackpot’ within three minutes.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW MECHANICS. Pero ngayon, mayroon daw silang bagong pakulo para sa kalahok na aabot sa final round.

“Pipili kami ng isang contestant for the whole barangay, tapos puwede siyang pumili ng lima pa na makakasama niya, parang group sila.

“All together [they’ll do the challenge] para makuha no’ng isa na ‘yon ‘yong fifty thousand pesos.”

Bukod pa sa cash prize na P50,000, maaari na rin daw manalo ng pangkabuhayan showcase at tricycle units ang kalahok sa susunod nilang pupuntahan na mga lugar.

Ayon din sa press release ng show, “kung sakaling di mauwi ang P30,000 jackpot prize, idadagdag ito sa susunod na episodes.”

Kaninong baranggay kaya ang susunod na pupuntahan ng masuwerteng jeepney?

Mapapanood ang Jeepney Jackpot Pera o Para mula Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN