Kris Aquino and Richard Gomez will serve as judges in MasterChef Pinoy Edition finale

Carla Marcaida, Ivory Yat, JR Royol and Myra Santos are the Top 4 finalists who will compete in the finale of MasterChef Pinoy Edition this Saturday, February 9.


Sa pagtatapos ng MasterChef Pinoy Edition Season 1, isang matinding challenge ang haharapin ng Top 4 na sina Carla Marcaida, Ivory Yat, JR Royol at Myra Santos. Ang kanilang pinakahuling bakbakan sa kusina sa MasterChef Pinoy Edition: The Live Cook-off ay gaganapin ngayong Sabado (February 9), 10:00 AM, sa SM North EDSA Skydome.


Sina Kris Aquino at Richard Gomez ang magsisilbing judges sa finale ng naturang "kusina-serye."

Sa press conference noong February 6 sa Quezon City, nakilala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press members ang apat na finalists ng reality cooking competition hosted by Judy Ann Santos.

Sa nalalapit na finals, naitanong kung sino nga ba ang kanilang maituturing na pinakamahigpit na kalaban.

Para sa Rakistang Kusinero na si JR, sarili niya ang mas maituturing niyang kalaban para sa titulo ng MasterChef, “from the start, yung mentatlity ko towards this competition has been I’m competing against myself and no one else.

“Hindi ko sila nakikita as kalaban, as gustong makuha yung titulo.

“Nakikita ko sila as mga kasama ko sa journey, sa paglalakbay na ito, in a sense na ayoko magkaroon ng kahit anong negative feelings para sa kanila kasi pag competition, hindi maiiwasana ang ganun, e.”

Si JR naman ang maituturing na mahigpit na kalaban ng Negosyanteng Kusinera na si Carla, “kasi yung creativity po niya at saka yung magic din po niya sa kusina na nakakapag-combine siya ng mga spices sa isang dish.”

Itinuturing naman ng tinagurian Kusina Fashionista na si Ivory, si Myra bilang kanyang pinakamahirap na katunggali para sa titulo.

“Ang tandaan niyo po ang babaeng laging nasa elimination, mas marami yung experience sa atin," aniya.

“At isa pa pong kinatatakutan ko both sa dalawang babaeng ito [Carla and Myra], ay parehas na po silang ina. Iba ho ang may motherly touch, ako po ganda touch lang,” pabirong sagot ni Ivory.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Experience naman ang maituturing na panlaban ni Ivory kaya naman siya ang naisip ni Myra bilang pinakamahigpit niyang katunggali, “parang napakalaki na ng experience niya pagdating sa pagluluto.

“Nagsabi pa nga po ako sa kanya na ‘Ivory, feeling ko ikaw yung makakatapat ko’ dahil nararamdaman ko po yung lakas ni Ivory.

“Kahit malayo pa lang siya nararamdaman ko na siya kaya feeling ko po talaga si Ivory ang pinaka-matinik na kalaban.”

FIRST PINOY MASTERCHEF. Libu-libong pinoy ang nangarap na maging kauna-unahang Pinoy MasterChef ngunit isa lang ang makakauha ng titulo at ng isang milyon.

Nais ni Carla na palakihin ang kanyang negosyo kung sakaling siya ang manalo. Ani Carla, “gusto ko po siya i-expand as a restaurant na po at mahilig din po ako mag-bake. Gusto ko po magkaroon rin ng isang maliit na bakeshop.”

Balak namang mag-travel ng nurse na si Ivory kung sakaling siya naman ang itanghal na kauna-unahang Pinoy MasterChef. “Gusto ko po talaga ng something that will inspire you and dun ka kukuha ng inspiration. Kunyari, yung cookbook na sinasabi ko so, ten percent will go to that and another for my father to continue his treatment.

“Tapos maglalaan po ako ng kalahating milyon para sa i-o-open ko po na ano maliit lang po na restaurant na puro take out orders lang po.”

Kasal naman ang pinaghahandan ng band vocalist na si JR. “Very small portion mapupunta dun sa wedding namin ng girlfriend ko. Yun po talaga yung isa sa mga pinaghahandaan ko and very large portion or most of it mapupunta po dun sa family ko and sa loved ones.

“Ise-secure po namin yung financial side ng family ko para tuluy-tuloy kaming mag-asawa in the future.”

Iipunin naman muna ni Myra ang kanyang mapapalunan at pag-aaralan daw niya ng mabuti kung saang negosyo niya ito gagamitin.


“Ilalagay ko po muna siya agad sa bangko. Naniniwala po ako kasi na hindi ko po agad-agad na i-risk yun para sa isang negosyo. Kailangan ko pong paghandaan, pag-isipan ng maayos kasi po naranasan ko na pong magnegosyo na isang bagay na pabigla-bigla. Ang gusto ko lang po ngayon, sigurado na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pinaka-una ko pong gagawin dun, i-save. I-secure yung money. Ipasok ko muna siya sa bangko pag-isipinan ng mabuti kung anong gagawin kong negosyo,” dagdag pa ni Myra.

LIFE AFTER MASTERCHEF. Nagkaisa naman ang lahat ng finalist na manalo o matalo man sila sa kumpetisyon, desidido silang gamitin ang kanilang training na naibigay sa kanila ng kusina-serye upang ipagpatuloy ang pangarap nilang maging isang successful na chef.

Ani Myra, “before po ako pumasok ng masterchef, nagwo-work po ako as an accountant sa isang company.”

“Parang ngayon po naiisip ko na gusto ko talagang i-pursue ito. Gusto kong ipagpatuloy. Gusto ko pong magkaroon ng pagkakataon sa sarili ko na maipakita po yung talento ko kaya ipagpapatuloy ko po ang maging chef.

“Siguro po mag-aaral ako, gusto ko rin pong magkaroon ng isang maliit na business pero pagkain po, definitely.”

Ibinahagi naman ni Ivory ang dahilan ng kanyang pagsali sa MasterChef Pinoy Edition.

Kwento ni Ivory, “gusto ko po talagang gumawa ng cookbook.

“Kasi ho talaga, matagal na po akong sumusubaybay sa masterchef at kasama po sa prize sa iba’t ibang bansa kagaya ng Amerika na meron siyang cookbook deal.

“Ako, ito po talaga yung pinangarap ko kasi kahit hindi po ako makapag-aral o makakuha ng scholarship, pag nakagawa ka ng cookbook na yung parang magiging part mo… because above anything else, gusto ko ma-educate yung mga Filipinos.

“Gusto ko ma-raise yung standards na bukod sa sibuyas, kamatis at garlic. Gusto ko i-raise yung standards na huwag silang matakot mag-try ng ibang ingredients.”

Balak namang ipagpapatuloy at palakihin ni Carla ang kanyang nasimulang negosyo, “patuloy pa rin po yung negosyo ko kasi nasa field na po ako ng food so alam ko, pagkatapos po nitong Masterchef, mas marami pong mag-eenjoy dun sa mga ihahain ko pong mga dishes.

“Mas marami pong mag-a-aspire na makatikim nun, so, pwede ko pong i-share sa kanilang lahat yun para matupad po yung pangarap ko na magkaroon ng isang small restaurant.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni JR na nag-resign na siya sa dating trabaho upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap bilang isang home cook.

Ani JR, “Actually, during the competition nag-resign na po ako kasi unang-una, tinanggap ko itong pagiging kasali ko dito as a sign. Kasi ang dami kong gustong gawin sa buhay ko, e, ang dami kong gusto i-achieve.

“Ang dami kong gustong gawin so, parang being part of this contest is like God telling me na ‘son, this is what I want for you.’

“Nag-usap na rin po kami ng girlfriend ko [and] we decided… I already asked her and told her na I’m really going for this after ng competition, win or lose.

“Actually nag-apply na po ako sa kung kaninong restaurant yung tatanggap sa akin as a steward so definitely yung direksyon nasa pagluluto and of course sa gabi, itutuloy ko pa rin po yung pagbabanda.”

DREAM CELEBRITY. Sino naman kaya ang celebrity na nais nilang ipagluto?

Para kay Ivory, ang King of Talk na si Boy Abunda ang nais niyang ipagluto ng kanyang specialty dish.

Kwento ni Ivory, “Kasi parang when you talk to him, very light kausap, at the same time, he can be honest and frank.

“Saka yung masarap siyang kausap, so, masarap siyang paglutuan at pagsilbihan.”

Dadag pa ni Ivory, “gusto ko siya patikimin ng audition dish ko, yung spicy kong Aglio e Olio. Gustung gusto ko kasi yung dish na yun kasi ano siya, e, favorite ko kasi yung pasta saka yun talaga yung forte ko, yung Italian food pero may hint pa rin siya ng Filipino na hindi ko palalampasin gaya ng tuyo and sili.”

Ang best friend naman ni Boy Abunda na si Kris Aquino ang nais ipagluto na Carla na malapit niya nang magawa dahil isa si Kris sa mga judge sa magaganap na final cook-off ngayong Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kwento ni Carla, “kasi nung nag-guest po kami sa Kris TV, hindi ko po masyadong nalaman kung na-appreciate niya yung ginawa namin dun pasta. Yun pinaka-braised… crips… yung braised Patatim namin.

“Kasi gusto niyo po niya perfect yung sauce, perfect yung ingredients mo. Gusto ko po siyang hainan ng isang mas masarap pang dish yung maa-appreaciate po niya.”

Nais namang ipagluto ni JR at Myra ang kapatid ni Kris na si President Noynoy Aquino.

Ani JR, “Unang-una napakalaking, isang malaking karangalan yun sa kahit sinong home cook ang ipagluto ang presidente and alam kong foodie rin siya, e.

“So, definitely may makukuha rin po akong tips sa kanya kung magugustuhan ba niya o hindi yung inihain ko sa kanya and since mga signature dishes yung gusto naming ipatikim siguro yung Patong Patok na lang din.”

Dadag naman ni Myra, “Gusto ko pong ipakita kay President Noynoy na sa murang halaga, makakapagluto po tayo ng masarap.

“So, dapat maipakita po natin sa mga Filipinos na kaya po nating magluto ng masarap out of maliit na budget.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN