Director Jeffrey Jeturian says about Richard Yap: "Ang lakas ng appeal niya..."


Patuloy pa rin sa paghataw sa ratings ng Be Careful With My Heart na pinagbibidahan nina Richard “Sir Chief” Yap at si Jodi Sta. Maria.


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Jeffrey Jeturian sa shooting ng pelikulang Extra… The Bit Player ay tinanong agad namin sa kanya kung ano ang sikreto sa patuloy na tagumpay ng ABS-CBN daytime teleserye na idinirek niya.

“Well, siguro dahil ibang iba siya kumpara doon sa ibang soap na pinapanood nila. Kumbaga, wala kaming kontrabida pero andun yung mga conflict. Marahil ang talagang pinapanood at talagang inaabangan ng televiewers, e, kung ano ang magiging kahihinatnan ng ‘love story’ ng dalawang bida,” umpisang pagkukuwento pa ni Direk Jeffrey nang makatsikahan namin siya during the dinner break ng pelikulang Extra.

Dagdag pa rin ni Direk na kasama rin daw siya sa nagtataka sa sobrang kasikatan ng businessman-turned-actor Richard Yap.

“Ang lakas ng appeal niya, inspite of the fact na hindi naman siya bagets na at may asawa pa. Hindi namin ini-expect na ganun ang magiging reaksiyon sa kanya ng mga tao. Unang-una si Richard 45 years old na may asawa na, may mga anak na.

“Tapos hindi rin naman bankable yung team nilang dalawa ni Jodi at walang pinanggalingan na isang hit sa pelikula o sa TV man lang. Pati wala ring 'off camera' na pinanggalingan ang dalawa. Hindi naman sila nagkaroon ng isyu na napag-usapan noon,” dagdag pang paliwanag ni Direk Jeffrey.

Sino ang nakaisip na pagsamahin ang dalawa at gawing bida sa isang pang-umagang soap opera?

“Well, ABS-CBN na yun. Kumbaga, parang sort of experimental lang. Si Richard galing doon sa My Binondo Girl, pero sa totoo lang din naman, marami rin naman kaming kinokonsider para sa role na ‘yan.

“Kasi ang formula, parang Wanted Perfect Mother,” ani Direk.

Binanggit na rin ni Direk Jeffrey na kasama rin daw naman siya sa mga nag brainstorming. Bilang director may mga sina suggest din daw naman siya para sa ikakaganda ng Be Careful With My Heart.

“Kung ano ang magiging takbo ng kuwento, at ang magiging dating nito sa mga televiewers, pinag-uusapan namin ‘yan. Kasi sa totoo lang, parang mahirap ding makikipagsapalaran sa isang soap na very light ang kuwento na kagaya nito at gusto mong kakagatin ng mga televiewers.

“Kasi sa ganitong istorya na wala kaming ipapasok na kontrabida, parang challenge yun kung paano mo mai-hook ang mga tao. Pero itong nakapagtataka dahil napaka simple ng istorya namin, but still nag-click, di ba?” paliwanag pa ni Direk Jeffrey.

Ayun pa rin kay Direk ay nasa management lang naman daw kung may balak na ilipat ang programa sa primetime block. Pero ang talagang plano raw talaga ng ABS-CBN ay ang palakasin ang daytime programming ng istasyon na hindi naman daw nabigo dahil pinakamataas na nakuhang rating nito ay 30 percent.

“Sa totoo lang, ang lakas din nito sa iWantv [ABS-CBN's site that provides video-on-demand]. Yung hindi nakapanood sa regular programming, e, sa iWantv nila pinapanood. Sobrang lakas din nito sa TFC [The Filipino Channel]. Kaya nakaka proud, di ba?” balik tanong pa sa amin ni Direk.

Si Direk Jeffrey rin ang naging direktor ng mga ibang Kapamilya shows tulad ng The Wedding, Mundo May Ay Magunaw, Reputasyon, Juanita Banana at itong Be Careful With My Heart na na-extend ang airing sa ABS-CBN.

Kelan kaya babalik sa Be Careful With My Heart si Luis Manzano?

“Pag okay na siguro ang schedule niya, Napaka busy kasi niya. Ang dami niyang ginagawang TV show, tapos right before the show namin, e, yung Minute to Win niya magkasunod, di ba?


"Pero marami rami pa rin namang malalaking artista na ipapasok namin bilang mga special guests," ani Direk Jeffrey.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN