John Prats says Angelica Panganiban showed support for Banana Split co-stars despite her severe UTI


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Prats sa live na pagsalubong at countdown ng Banana Split sa Chinese New Year sa Quirino Grandstand last Saturday, February 9.

Dito namin nabalitaan na magkakaroon muli ng Banana Split Daily Servings, bukod pa ang regular show nila tuwing Sabado ng gabi.

“Itong pasok nga ng 2013, sobrang weird,” sabi ni John sa mga mangyayari.

“Although, okay naman ang rating namin for our timeslot, which is Saturday, 11 [percent] ang pinakamataas namin.

“Pero after, naging 15, 17 ang rating namin.

"So, lahat kami, ‘Bakit nagkaganoon, ano'ng nangyari sa rating natin?’

“Tapos, yun nga, ibinalita sa amin na babalik na ang Banana Split Daily after ng Bandila.

“So, isang malaking sorpresa sa amin yun at natuwa kami.

"Nagawa na naman namin siya and, now, gagawin namin siya ulit.

“Mas matindi ang pressure, pero masaya kami sa balita.”



DAILY SHOW. Tuloy pa rin ang Club Mwah episodes nila tuwing Sabado. Pero sa daily show, yung original na konsepto ng Banana Split ang gagawin nilang gags.

Sabi pa ni John, “Grabe nga, grabe yung pamilya namin. Hindi ko alam kung ano ang magic.

“Parang kahit na ano ang ibato sa amin, nagagawan namin ng paraan.

“Noong nag-live kami, wala kaming experience except si Pooh.

“Si Pooh lang ang may experience sa mga stand-up comedy. Lahat kami first time…wala.

“Ang secret lang talaga namin, yung chemistry naming lahat.

“Parang lahat kami, walang star, lahat pantay-pantay, lahat magkakaibigan— yun ang formula namin.”

First time na nakapag-live ang Banana Split at sila pa sa lahat ng programa ng ABS-CBN ang sumalubong sa Chinese New Year countdown.

Kuwento ni John, “First time kaya kahit si Angelica [Panganiban] nga na may severe UTI [urinary tract infection], pumunta siya.

“Na-confine siya for the past four days, pero ngayon, pinilit niya lang pumunta dahil ayaw nga niyang ma-miss yung isa sa pinakamalaking event ng Banana Split.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat nga, uuwi na siya, but she stayed until the countdown and then she left.

“Talagang gusto lang niyang ma-experience.”


(CLICK HERE to view photos of ABS-CBN's Chinese New Year countdown)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN