Max Collins on how she would end Pahiram Ng Sandali: “I think, every story should have a good moral ending.”


Base sa mga nakaraang episodes ng GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali, makikitang painit na nang painit ang mga tagpo.

Namatay na ang gumaganap na tatay ni Max Collins sa serye na si Christopher de Leon bilang si Phillip.

Pero ayon kay Max, marami pa raw magiging kaganapan sa karakter niya na si Cindy bago sila magwakas.

“Kailangan nilang makita kung mapapatawad ba ni Cindy si Janice [portrayed by Lorna Tolentino] at si Alex [portrayed by Dingdong Dantes].

“Also, kailangang abangan din kung sino ba ang magkakatuluyan—kung magkakatuluyan ba sina Cindy and Alex—kung ano ang mangyayari sa kanilang relationship.

“Kay Baby Umali at kay Janice, magiging mortal enemies ba sila hanggang sa end ng show?”

IMPRESSIVE. Palaging sinasabi kay Max na marami ang na-impress sa kanya sa mga ipinakita niya sa Pahiram Ng Sandali.

Dahil kahit siya baguhan, nakukuha niyang makipagsabayan sa mga kilala na talagang aktor at aktres na kasama nila sa cast.

“I am, sobrang thankful talaga ko,” nakangiting sabi naman niya.

“Binibigay ko po ang lahat sa show na ito and sa bawat eksenang ginagawa ko po and na-inspire po ako sa kanilang lahat.

“And the fact that I was given the chance to work with good actors, good actress, makes me challenge myself to do better and be a better actress.”

FORGIVENESS. Kung nagkataon na siya ang writer ng Pahiram, sa paanong paraan niya pipiliin na tapusin o bigyan ng ending ang primetime series nila?

“Sa akin po, forgiveness.

“I think, every story should have a good moral ending.

“I guess, kahit na sa rami ng gulong nangyayari sa buhay ng mga characters, sana, mapapatawad nila ang isa’t-isa… magkakaayos sila.

“In the end, that really matters.”

Sa kuwento, may namagitan sa kanyang ina na si Lorna Tolentino at kay Dingdong na boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nagkataon, gugustuhin pa rin niyang sila ang magkatuluyan ni Alex o ni Dingdong sa kuwento?

“I would like to forgive Alex. I don’t know if mag-e-end up sila together.

“I will have to think about that more but I would like to be able to forgive him.”

Ang Pahiram Ng Sandali ang pinaka-big break niya sa kanyang career, may mga mami-miss ba siya ngayong magtatapos na ito?

“Lahat, mula sa pagsasama naming lahat… the script, going to work every day.

“Everything… Talking about the story, mami-miss ko lahat.

“Kasi, napakaganda ng samahan namin. So, I can’t ask for anything more.”

May mami-miss din ba siya kay Dingdong bilang leading man niya?

“I’ll miss yung kulitan namin sa set. Makulit din siya minsan kapag magka-eksena kami.

“I’ll miss his professionalism. He’s a great co-actor.

“He’s such a supportive and great actor, so, I’ll miss having that in a partner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN