Magpakailanman will feature the life of an International Children’s Peace Prize awardee



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado, ibabahagi ng Magpakailanman ang kuwento ni Kesz Valdez, isang batang kalye na bagamat sa estado ng buhay ay naging International Children’s Peace Prize awardee.


"Sa masalimuot na mundo ng libu-libo nating mga batang-kalye, may isa na namukod-tangi: ito si Kesz Valdez.


"Walang pinagkaiba si Kesz sa ibang mga batang-kalye na ipinanganak at pinalaki sa tambakan ng basura. Tulad ng mga kasamahan sa landfill, isang kahig at isang tuka ang pamumuhay ng kaniyang pamilya, at kapag walang kita, napagbubuntungan siya ng galit ng kaniyang ama.


"Kahit ganoon pa man ang kanilang sitwasyon, hindi nawawalan ng pangarap si Kesz na yumaman, na makaalis sa lugar na kinalakihan at mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at mga kapatid.


"Ngunit magbabago ang buhay ni Kesz nang isang gabi ay malagay sa peligro ang buhay niya. Dahil sa walang kapera-pera, mapipilitan lumapit ang kaniyang ina kay Teacher Bonn, isang mapagmalasakit na teacher sa area nila.


"Dahil sa kondisyon ni Kesz, mapipilitan ang ina niyang iwan siya kay Teacher Bonn. Yun nga lang, ang akala ni Kesz ay sa paggaling niya ay babalikan rin siya ng ina. Laking gulat nito nang hindi na muling magpakita ang ina sa kaniya. Naisip kasi nito na mas magiging maganda ang buhay ni Kesz kung tuluyan na itong mamuhay kasama ng guro.


"Sa una ay hindi matatanggap ni Kesz ang bagong buhay. Hindi niya gusto ang mawalay sa ina, kahit gaano pa man kabuti ni Teacher Bonn sa kaniya. At dahil sa laking kalye si Kesz, may mga nakasanayan rin siyang hindi madaling talikuran. Kabilang na rito ang pangungupit, na siyang gagawin niya kay Teacher Bonn.


"Ganoon pa man, hindi magagalit si Teacher Bonn. Bagkus ay uunawain pa niya ang lagay at pinanggagalingan ng bata. Ito ang magiging turning point sa buhay ni Kesz, kung saan niya makikita na hindi lahat ng tao ay makasarili—na may mga taong may tunay na malasakit sa kapwa.


"Ngunit paano nga ba tuluyang tatalikuran ni Kesz ang nakasanayan? Paano niya itutuwid ang landas niyang matagal nang binaluktot ng buhay?


"Ilan lang yan sa mga kuwentong sasagutin sa pagtatanghal ng life story ni Kesz Valdez, ang International Children’s Peace Prize awardee noong 2012, sa natatanging pagganap ni Vincent Magbanua bilang Kesz Valdez at Benjie Paras bilang Teacher Bonn.


"Huwag palagpasin ngayong Sabado ang Magpakailanman pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN